Questions


September 2022 1 1 Report
Answer:

Solid Waste
Ang solid waste ay tumutukoy sa mga basura, mga kalat o dumi na mula sa mga kabahayan, sa mga miyembro ng isang pamayanan at sa mga pabrika. Ito ay mga bagay o gamit na itinapon na ng mga tao na maaring maging solid o semi-solid at hindi soluble. Dahilan ng Problema sa Solid Waste
Mga nagkalat na mga basura tulad ng bote, metal, tissue, plastik, karton, lata, papel at iba pang basura sa mga dagat, ilog, kanal, estero at iba pang mga lugar.
Hindi maayos na pagsegregate ng mga basura na nabubulok at hindi nabubulok.
Hindi maayos na pagtatapon ng mga basura sa tamang basurahan.
Kakulangan ng disiplina sa tamang pagtatapon ng mga solid waste.
Hindi pagsunod ng tao sa batas at patakaran sa solid waste management. Bunga
Nang dahil sa mga solid waste o basura na nagkalat nagdudulot ito ng masamang epekto sa ating kapaligiran, nagkakaroon tayo ng polusyon sa tubig, lupa at hangin, mga pagbaha at pagbara sa mga estero at kanal.
Ang pagbabaha, pagtaas ng lebel ng nakalalasong kemikal sa hangin at pagkamatay ng mga isda ay ilan din sa masamang dulot ng hindi wastong pagtapon ng mga solid waste.

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.