Questions


December 2021 1 18 Report
Answer:

Explanation:

Ang paksa o tema ng isang akda ay tumutukoy sa pangyayari o usapin na binigigyan ng pokus sa akda. Maaaring ito ay may kinalaman sa karanasan ng manunulat; mga pangyayari sa paligid katulad ng bagyo o lindol; isyung politikal katulad ng korapsiyon at kahirapan; at marami pang iba. Ang paksa o tema ang magiging sentro sa paglikha ng isang akda na nais bigyan pansin ng manunulat. Importante ang paksa para mailahad ng may akda ang sitwasyon. Sa pamamagitan nito nagkakaroon ng koneksiyon ang manunulat at mambabasa. Halimbawa, ang paksa ay kahirapan, dahil sa ganitong usapin maaring malaman ng mambabasa kung ano ang kahirapan, mga sanhi nito, at kung paano ito matutugunan. Isa pang halimbawa ay Ang akdang "Impeng Negro" ni Rogelio S. Sicat na binibigyang pokus ang diskriminasyon na nangyayari sa lipunan. Dahil sa maitim na kulay ni Impeng ay palagi siyang kinukutya ng mga tao ngunit sa huli ay ipinakita ng manunulat ang kakayahan ni Impen na nagpatunay na kahit iba ang kanyang kulay, hindi siya dapat idiskrimina dahil tao siyang nasasaktan at sa huli'y kayang lumaban.

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.