Si Sultan Kumpit ay isa sa mga naging pinuno ng isang malaking pulo. Matalino sya ngunit takot sa kanya ang mga Muslim dahil sa kasungitan. Ang sultan ay may kaisa - isang anak. Ang pangalan ng dalaga ay Minda.
Si Minda ay ubod ng ganda. Dahil sa kagandahan ay marami nang nanliligaw sa babae. Kabilang sa nga tagahanga nya ang mga sultan, mga raha, mga datu at mga prinsipe ng ibat - ibang pulo. Bawat manliligaw ni Prinsesa Minda ay may kanyang - kanyang katangian. Nagpasya si Sultan Kumpit na magbigay ng tatlong pagsubok sa magiging mapalad na makaka isang dibdib ng anak.
Ang unang pagsubok ay ang makapagkwento ng kasaysayan ng angkan hanggang sa ikasampung salin. Ang ibig sabihin nito ay kung sino at ano ang naging buhay ng ama, nuno, ama ng nuno, nuno ng nuno, at mga kanunununuan hanggang sa ikasampung salin ng angkan.
Sa ikalawang pagsubok ay kinakailangang lumampas sa kayamanan ni Sultan Kumpit ang kayamanan ng manliligaw para maging kwalipikado sa ikatlong pagsubok. Gayunman, ang higit na mayaman ang mag mamay ari ng kayamanan nang natalong manliligaw.
Marami ang nakipagsapalaran at natalo sa unang pagsubok. Isa rito ang kilalang Prinsipe Kinang. Si Sultan Kumpit ang nakapasa sa pagsubok dahil nahigitan ng apat na tiklis ng kanyang ginto ang tatlong tiklis na ginto ng hari. Lalong yumaman si Sultan Kumpit at ngayon ay nadagdagan pa ng tatlong tiklis na tinalo mula kay Prinsipe Kinang.
Isang matalinong prinsipe si Prinsipe Lanao, ang nais makipagsapalaran. Bago sya sumubok ay nag-isip syang mabuti kung paano matatalo ang kayamanan ng sultan. Nanghiram sya ng ginto sa mga kaibigang maharlika hanggang makatipon ng 13 tiklis na gnto.
Binihisan at inayusan ang buong kaharian ni Prinsipe Lanao. Nakausap ng prinsipe si Prinsisa Minda. Sa unang pagkikita pa lang ay nagpakita na agad ng pagtingin ang prinsesa sa binatang prinsipe. Lihim na natuwa ang puso ni Prinsipe Lanao sapagkat nakasiguro syang may pagtingin din sa kanya ang prinsesa.
"Ano ang masasabi mo sa iyong angkan?" ang unang pagsubok ni Sultan Kumpit kay Lanao.
Mabilis na isinilaysay ni Lanao ang pinagmulan ng lahi. Nag imbento sya ng mga pangalan at kagitingan ng mga ito. Laking pasasalamat nya nang makapasa sa unang pagsubok. Sa ikalawang pagsubok ay tinanong sya ng sultan, "Ilang tiklis ng ginto ang dala mo? Mayroon akoong pito. Mahihigitan mo ba iyon?" pagmamalaking tanong ng sultan.
"Mayroon akong 13 na tiklis na ginto rito. Kung kulang ay handa akong ilabas ang nkatago pa sa aming kaharian," ang tugon ng prinsipe.
"Hindi na bale... Iyo na ang pitong tiklis ko. Ganito namn ang ikatlong pagsubok. Ikaw ay tutulay sa isang lubid na ang lalim ay bangin. Kapag nagawa mo ito ay ikakasal kayo ng prinsesa sa pagbilog na buwan," ang wika ng nang sultan. "Ihanda mo ang sarili para sa ikatlong pagsubok bukas."
Umalis si Prinsipe Lanao na punong-puno ng pag asa. Nakapagsanay na kasi syang tumulay sa baging na sampayan. Lingid sa kanya ay may masama palang balak ang sultan sa pagtlay nya sa lubid. Natunugan ito ni Minda. Sa laki ng pag ibig sa binata ay gumawa sya ng paraan. Inutusan sya ang kanyang katulong na putulin ang matibay at manipis na sinulid na nakakabit sa tulay na tatawiran ni Lanao. ng sinulid palang ito ay hahatakin upang malaglag sa bangin si Lanao. Mabilis namang natupad ang ipinag uutos ni Minda sa kanyang katulong.
Kinabukasan ay maluwalhating nakatawid si Prinsipe Lanao sa lubid at natuloy ang kasal nila ni Prinsesa Minda. Namuno ang mag aasawa sa kaharian ni Sultan Kumpit. Dahil sa kabaitan ay napamahal sa tao ang dalawa kaya't ang malaking pulong iyon ay pinangalang MINDA - LANAO na hindi nagtagal ay naging MINDANAO...
Answers & Comments
Answer:
»»» ANG ALAMAT NG MINDANAO «««

°°°° THE END °°°°
°°°ANGEL°°°