Kilala ang Sinulog bilang isa sa mga pangunahing kapistahan ng mga Kristiyano-Katolikong Pilipino sa kontemporanyong panahon. Isa lamang ang Sinulog sa mga pangunahing kapistahang gumugunita sa Batang Hesus. Nariyan din ang kapistahan ng Santo Niño sa Tondo, Ati-Atihan sa Aklan, at Dinagyang sa Iloilo. Mayroon ding naiulat na kapistahan ng Santo Niño sa Pandacan. Ngunit sumentro ako sa Sinulog sapagkat may pamilyaridad ako sa naturang pagdiriwang gawa nang paninirahan ako sa Cebu sa aking kabataan noong unang hati ng dekada 1990. Masasabing mayroon itong malalim na pinag-ugatan at isang uri ito ng tinatawag ng mga Sugbohanon na kabilin. Karaniwang binibigyang-pakahulugan ang kabilin bilang “pamana” at naitutumbas din ito sa Hiligaynon na panublion (Estenzo-Ramos 2017). Bilang pamana, kinakailangang maipasa ang mga gawing ito mula sa nakatatanda tungo sa nakababatang henerasyon. Isang banta naman sa pagpapatuloy ng mga nakagisnang tradisyon ang maaaring hindi na pagtangkilik ng mga bagong henerasyong namulat sa ibang uri ng kasayahan at iba’t iba na rin ang antas ng pagsunod sa mga relihiyon. Subalit hindi lamang pagsasalin ng mga materyal na bagay ang ginagawa sa kabilin—saklaw din nito ang mga nakagawiang tradisyon.
Answers & Comments
Answer:
pit senior is the answer of that question