Walang pinahahalagahan ang child pornography. Ito ay isang karima-rimarim na krimen na kinakailangang maparusahan saanman bansa ka naroroon.
Explanation:
Ang child pornography ay ang paggawa ng visual content, video man o larawan, kung saan ang isang menor de edad ay nilalapastangan at inaabuso sa sekswal at pisikal na paraan.
Ito ay isang seryosong krimen na lumalabag sa batas na nakasaad sa Republic Act 9775 o ang Anti-Child Pornography Act 2009 kung saan hindi lamang mga Pilipino ang pwedeng parusahan kundi pati ang mga dayuhan na nahuling gumagawa o nagkakalat nito. Kung ang mga magulang o guardian ng bata ay mapatunayan din na sangkot sa krimen sa pamamagitan nang pagtanggap ng bayad o pagpayag na gawin ito sa kanilang anak, sila ay maparurusahan din.
Bilang isang estudyante, ito ay marapat na seryosohin natin. Dapat natin bigyan halaga at ipaglaban ang karapatan ng bawat bata sa isang ligtas na buhay. Mayroon mga bata at mga teenager na hindi ito sineseryoso at sila pa nga ay nagkakalat nang mga ganitong klaseng mga larawan at video lalo na kung sa tingin nila ay katawa-tawa ito. Kung ating malaman na may kumakalat na larawan o video ng mga kapwa menor de edad, ito ay dapat agad ipaalam sa kapulisan sa Violence Against Women and Children (VAWC) Helpdesk.
Answers & Comments
Answer: