Anong pag-uugali ni Donya Leonora ang masasalamin sa unang saknong?
“Sinusubok ko nga lamang
kung ang puso mo’y marangal
ugali ng alinlangan
alaalang pagtaksilan
“Pagkat marami sa puso
talusira sa pangako,
sa pagsinta’y mapagbiro’t
matuwaing sumiphayo.
Answers & Comments
Answer:
Ang panaghoy ni Donya Leonora sa saknong 777-792 ay patungkol sa pagtangis ni Donya Leonora kung saan ayaw mawala ang pag aalala ng prinsesa na baka hindi nailigtas ng lobong engkantada si Don Juan. Umaasa siyang sana ay dalawin siya kahit ng kaluluwa ng prinsipeng pinakaiibig (Saknong 779-792). Lalo pa't sa Saknong 777-778, sinunod ni Don Juan ang payo ng Ibong Adarna na magtungo sa Reyno de los Cristales at sa tatlong prinsesang naroo'y ang piliin niya ang prinsesang si Maria Blanca na ang ganda ay walang kaparis.
Explanation:
777 Manalig kang walang hirap
na di nagtatamong-palad,
pagmasdan mo't yaong ulap
hinahawi ng liwanag.
778 Sa payo nitong Adarna
ang Prinsipe'y lumakad na,
nalimutan si Leonora't
puso'y na kay Maria Blanca.
779 Samantalang si Don Jua'y
patungo sa de los Cristal,
si Leonorang matimtiman
araw-gabi'y nalulumbay
780 Araw-gabi'y tumatangis
sa kinalalagyang silid,
walang laging nasasambit
kundi si Don Juang ibig.
781 O kasi ko't aking buhay
lunas nitong dusa't lumbay
ano't di ka dumaratal,
ikaw kaya'y napasaan?
782 Hindi ka na nabalisa,
gayong ako'y nasa dusa,
walang gabi at umagang
di ikaw ang aking pita?
783 Ano't iyong natitiis
ako, sa ganitong sakit
di ba't ikaw aking ibig
ang aliw ko kung may hapis?
784 Di ba tunay, aking giliw
pangako mong walang maliw
ako'y iyong mamahalin
ano't ngayo'y di mo tupdin?
785 Pitong taong pag iisa
hiningi sa iyong ama
upang kung dumating ka
mabihis mo yaring dusa
786 Pagkat di ko matatanggap
makasal sa hindi liyag,
buhay ko man ay mautas
pagsinta ko'y iyong hawak.
787 Kung narito ka, Don Jua't
makikita yaring lagay,
ang dibdib mo kahit bakal
madudurog din sa lumbay.
788 Bakit nga ba hindi, irog
lalo pa kung matatalos
ang hinagpis at himutok
kayakap ko sa pagtulog.
789 Ayaw kong bigyang-laya't
munting ako'y mapayapa,
panabay nang mayro'ng iwa
sa dibdib ko, puso't diwa.
790 Iwang pagkaantak-antak
may mabagsik na kamandag,
kamandag na umuutas
sa buhay kong kulang-palad.
791 Kaya lamang di mapatay
yaring mahina kong buhay,
ay pananggol kong matibay
ang pagsinta mong dalisay.
792 Pag asa ko aking giliw
buhay ka at darating din,
darating ka't hahanguin
si Leonora sa hilahil.
Explanation:
correct me if i'm wrong
pa brainliest lode
Answer:
Si Donya Leonora ay mapanigurado