Questions


October 2022 1 2 Report
"Anong nangyayari?" Bulong ni Niño habang nakatingala sa kalangitan.

"Oras na siguro upang wakasan ng Lumikha ang kanyang obra maestra. Ang tao." Sambit ng estranghero. "At bakit naman? Tayong mga tao ang tagapag

pangalaga ng mundong ito hindi po ba?"

Tama. Ipinagkaloob Nya sa atin ang pinakamataas na uri ng karunungang higit sa lahat ng nilalang na nabubuhay sa mundong ibabaw. At hindi naglaon, ftnagawa nating lumipad na parang mga ibon, lumangoy na kasing husay ng mga isda, umandar ng matulin na higit pa sa bilis ng mga kabayo at marami pang iba.

Subalit wala tayong kakuntentuhan sa buhay Niño. Naging mas mabagsik tayo higit pa sa mga leon at buwitre. Sinasakmal na natin ang isa't isa. Dinadakma na natin ang dangal ng iba para sa ating makasariling mga hangarin. Tayong mga tao ang mga

pinakawalang konsensyang nilalang sa balat ng lupa. "H'wag kang matakot Niño. Humawak ka lamang sa aking kamay."

At sabay na muling tumingala ang batang palaboy na si Niño at ang estrangherong iyon sa kalangitan upang harapin ng buong tapang, ang rumaragasang kometa na tatapos sa sangkatauhan.

Gumawa ng sariling reaksyon paper ​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.