Ang pamilya ang sinasabing isang maliit na antas ng lipunan na nagsisilbing unang paaralan kung saan ang isang bata ay tumatanggap ng mga pangunahing halaga ng buhay at natututo ng mabuting kaugalian. Ang mga moral at mga pamantayan na natutunan sa pamilya ay nagiging gabay tungo sa pagiging mabuting tao at mamamayan dahil dito unang nahuhubog ang karakter ng isang tao. Ang ating pamiya ang humuhubog at nagtuturo ng maubuti at magagandang katangian na dapat taglayin bilang isang tao at mamamayan ng lipunan.
Mga katangiang taglay ko ngayon na impluwensya ng aking pamilya
maka-Diyos
Ang aking pamilya ang nagturo sa akin kung paano maging maka-Diyos at magkaroon ng takot sa Diyos. Natutunan ko ang kahalagahan ng pagdarasal lalo na sa tuwing may mga biyaya akong natatanggap na kailangan kong ipagpasalamat.
kababaang-loob
Ang aking pamilya ang nagturo sa akin ng pagkakaroon ng kababang-loob, wag maging mayabang sa lahat ng pagkakataon at matutong magpakababa lalo na kapag nakagawa ng mali at nagawan ng mali.
matulungin at may malasakit
Ang aking pamilya ang nagturo sa akin na maging matulungin at magmalasakit lalo na sa kapwa. Matutong tumulong at magbigay sa mga taong higit na nangangailangan at wag maging madamot sa mga biyayang natatanggap.
magalang at matutong rumespeto
Itinuro sa akin ng aking pamilya ang maging magalang sa lahat ng oras at pagkakataon lalo na sa mga taong mas nakakatanda sa akin. Palaging gumamit ng "po" at "opo" kapag nakikipag-usap sa ibang tao.
Answers & Comments
Answer:
Pamilya

Explanation: