SEKSYON 4. Hindi dapat magpatibay ng batas na nagbabawas sa kalayaan sa pananalita, pagpapahayag, o ng pamamahayagan, o sa karapatan ng mga taong-bayan na mapayabang magkatipon at magpetisyon sa pamahalaan upang ilahad ang kanilang mga karaingan.
SEKSYON 5. Hindi dapat magbalangkas ng batas para sa pagtatatag ng relihiyon, o nagbabawal sa malayang pagsasagamit nito. Dapat ipahintulot magpakailanman ang malayang pagsasagamit at pagtatamasa ng pagpapahayag ng relihiyon at pagsamba nang walang pagtatangi o pamimili. Hindi dapat kailanganin ang pagsusulit pangrelihiyon sa pagsasagamit ng karapatang sibil o pampulitika. .
SEKSYON 6. Hindi dapat bawalan ang kalayaan sa paninirahan at ang pagbabago ng tirahan sa saklaw ng mga katakdaang itinatadhana ng batas maliban sa legal na utos ng hukuman. Ni hindi dapat bawalan ang karapatan sa paglalakbay maliban kung para sa kapakanan ng kapanatagan ng bansa, kaligtasang pambayan, o kalusugang pambayan ayon sa maaaring itadhana ng batas.
Answers & Comments
Answer:
Artikulo lll katipunan ng mga karapatan
Explanation: