Bilang isang taong nakikinabang sa mga mabubuting dulot ng puno sa aking paligid, marami akong paraan at aksyon na magagawa upang maipakita ko ang pagpapahalaga sa mga ito. Una, hindi ko susuportahan ang pag puputol ng mga puno lalo na sa ating mga kagubatan. Hihikayatin ko ang aking mga kapwa na itigil ang ganitong klase ng gawain sapagkat mawawalan ng tirahan ang mga hayop. Pangalawa, pangangalagaan ko ang mga puno na nakapaligid sa akin. Maaari rin akong magtanim ng mga halaman at puno upang makatulong sa ating kalikasan.
Answers & Comments
Verified answer
Anong aksiyon ang iyong gagawin?