ano sa palagay mo ang malaking naidulot ng kaalamang nakalap at nararanasan mo mula sa paggawa ng proyekto ng pasyong aksesorya masasabi mo bang ito ay makatutulong upang masolusyonan ang kalagayan suliranin at pagtugon sa isyu na mag papa angat ng bansa
Answers & Comments
Answer:
Sa mundong ating ginagalawan sa kasalukuyan ay may mga pangyayaring dapat pag-ukulan ng pansin lalo na kung ito ay nagdudulot ng suliranin sa maraming tao. Ito ay maaaring mga kakulangan sa isang bagay na nangangailangan ng agarang pagtugon, paglulunsad ng pagbabago ukol sa naghaharing sistema o patakaran, maaari ding pagsasagawa ng isang programa upang higit na mapabuti ang kondisyon ng isang samahan o gawain, o kaya naman ay pagpapanukala ng solusyon para sa nararanasang suliranin. Isang panukala para sa paglulunsad ng isang pagbabago o kaya naman ay para malutas ang isang suliranin.
PANUKALANG PROYEKTO
Higit na sistematiko at pinag-aralan kaysa feasibility study.
"Sa paglikha ng mga pag-aaral sa pangangalap ng pondo, ang panukala ay isang proposal na naglalayong ilatag ang mga plano o adhikain para sa isang komunidad o samahan." - Dr. Phil Bartle
Isang kasulatan ng mungkahing naglalaman ng tatanggap at magpapatibay nito.
"Ang panukalang proyekto ay isang detalyadong deskripsiyon ng mga inihahaing gawaing naglalayong lumutas ng isang problema o suliranin." - Besim Nebiu
Mahalagang maging maingat sa pagpaplano at pagdidisenyo ng panukalang proyekto.
Masasabing ang paggawa nito ay nangangailangan ng kaalaman, kasanayan, at maging sapat na pagsasanay.
Ito ay kailangang maging tapat na dokumento na ang pangunahing layunin ay makatulong at makalikha ng positibong pagbabago.
"Kailangan nitong magbigay ng impormasyon at makahikayat ng positibong pagtugon mula sa pinag-uukulan nito." - Dr. Bartle
Walang lugar sa sulating ito ang pagsesermon, pagyayabang, o panlilinlang, sa halip, ito ay kailangang maging tapat at totoo sa layunin nito.
Explanation:
MGA DAPAT GAWIN SA PAGSULAT NG PANUKALANG PROYEKTO
Ayon kay Jeremy Miner at Lynn Miner, sa pagsasagawa ng panukalang papel, ito ay kailangang magtaglay ng tatlong mahahalagang bahagi at ito ay ang sumusunod:
Pagsulat ng Panimula ng Panukalang Proyekto
Pagsulat ng Katawan ng Panukalang Proyekto
Paglalahad ng Benepisyo ng Proyekto at Mga Makikinabang Nito
Pagsulat ng Panimula ng Panukalang Proyekto
Unang mahalagang hakbang na dapat isagawa ay ang pagtukoy sa pangangailangan ng komunidad, samahan, o kompanyang pag-uukulan ng iyong project proposal.
Tandaan na ang pangunahing dahilan ng pagsulat ng panukalang proyekto ay upang makatulong at makalikha ng positibong pagbabago.
Higit na magiging tiyak, napapanahon, at akma kung matutumbok ang tunay na pangangailangan ng pag-uukulan.
Ang pangangailangan ang magiging batayan ng isusulat na panukala.