Ang pang-abay ay ang ay mga salitang naglalarawan sa pandiwa, pang-uri at kapwa pang-abay.
Mga uri ng Pang-abay
Pamanahon- Ang pang-abay na pamanahon ay nagsasaad kung kailan naganap,ginaganap o gaganapin ang isang pangyayari o kilos.
Panlunan- Ito ay nagsasaad ng lugar kung saan naganap ang pangyayari. Samakatuwid, ito ay nagsasabi kung saan ginawa, ginagawa, at gagawin ang kilos sa pangungusap; sa ibang pananalita ay tumutukoy ito sa pook na pinangyarihan, o pangyayarihan ng kilos sa pandiwa. Karaniwang ginagamit ang mga pariralang may sa, kina o kay.
Pamaraan- Ito ay naglalarawan kung paano naganap, nagaganap, o magaganap ang kilos na ipinahahayag ng pandiwa. Ginagamit sa ganitong uri ng pang-abay ang mga panandang nang, na, at -ng. Halimbawa nito ay magaling, mabilis, maaga, masipag, mabait, at iba pa.
Ingklitik- Ito ay mga kataga sa Filipino na karaniwang nakikita pagkatapos ng unang salita sa pangungusap. Ito ay ang man, kasi, sana, nang, kaya, yata, tuloy, lamang/lang, din/rin, ba, pa, muna, pala, na, naman at daw/raw.
Benepaktibo- Ito ay nagsasaad ng benepisyo para sa isang tao. Ito ay karaniwang binubuo ng pariralang pinangungunahan ng para sa.
Kusatibo- Ito ay nagsasaad ng dahilan ng pangganap sa kilos ng pandiwa. Ito'y makikilala sa parirala o sugnay na pinangungunahan ng dahil sa.
Kondisyonal- Ito ay nagsasaad ng kondisyon para maganap ang kilos na isinasaad ng pandiwa. Ito ay may mga sugnay o pariralang pinangungunahan ng kung, kapag/pag, at pagka.
Panang-ayon- Ito ay nagsasaad ng pagsang-ayon. Ginagamit dito ang mga salitang oo, opo, tunay, sadya, talaga, syempre at iba pa.
Pananggi- Ito ay nagsasaad ng pagtanggi o pagtutol. Nilalagyan ito ng mga pariralang katulad ng hindi, di at ayaw.
Panggaano o pampanukat- Ito ay nagsasaad ng timbang, bigat, o sukat. Sumasagot ang pang-abay na panggaano sa tanong na gaano o magkano.
Pamitagan- Ito ay nagsasaad ng paggalang. Ginagamit dito ang po/ho at opo/oho.
Answers & Comments
Answer:
pang abay nagtutukoy sa pandiwa
Explanation:
yes.
Sagot:
Ang pang-abay ay ang ay mga salitang naglalarawan sa pandiwa, pang-uri at kapwa pang-abay.
Mga uri ng Pang-abay
I HOPE MAKATULONG:)