Ang Kapampangan o Capampáñgan ay isa sa mga walong pangunahing wika ng Pilipinas. Ito ang pangunahing wika ginagamit sa buong lalawigan ng Pampanga at Timugang Tarlac, sa timugang bahagi ng kalagitnaang kapatagan ng Luzon, karamihan nito ay sumasailalim sa pangkat-etnikong Kapampangan. Sinasalita rin ang Kapampangan sa hilagang-silangang Bataan, pati na rin sa mga munisipalidad ng Bulacan, Nueva Ecija, at Zambales na pumapaligid sa Pampanga. Nakakapag-intindi at nakakapagsalita rin ng Kapampangan ang mga iilang Aeta sa timugang bahagi ng Gitnang Luzon. Ang naturang wika ay tinatawag ding Pampango, Capampan͠gan/Capampañgan, Pampangueño, at bilang panggalang, Amanung Sisuan (wikang ipinasuso).[1]
Answers & Comments