Ang Batasang Pambansa sa Lungsod Quezon ay ang kasalukuyang himpilan ng Kapulungan ng mga Kinatawan.
Ayon sa 1987 Konstitusyon, ang kapangyarihang lehislatibo o tagapagbatas ay ibinibigay sa Kongreso ng Pilipinas, na siyang kinabibilangan ng Senado at ng Kapulungan ng mga Kinatawan (House of Representatives).
Mayroong 24 na Senador sa Senado. Nakasaad sa batas na sila ay pawang mga inihalal ng mayoridad ng mga botante ng Pilipinas. Hindi naman hihigit sa 250 ang maaaring makabilang sa Kapulungan ng mga Kinatawan at 20% nito ay kinakailangang mga kinatawan ng mga Party-list.
Nakatakda sa konstitusyon na ang bawat Senador ay kinakailangang:
mamamayang ipinanganak sa PIlipinas at may magulang na Pilipino;
hindi babata sa edad na 35;
marunong magbasa at magsulat;
rehistrado bilang botante; at
residente ng Pilipinas nang di-bababa sa 2 taon bago ang araw ng halalan.
Sa kabilang banda, upang maging kasapi ng Kapulungan ng mga Kinatawan, kailangang sundin ang mga sumusunod na kahingian:

hindi babata sa edad na 25;
marunong magbasa at magsulat; at
rehistradong botante at residente ng bansa sa loob ng 1 taon o higit pa sa distrito kung saan siya ay inihalal (liban sa mga kinatawan ng party-list).
Ang Prosesong Lehislatura
Kailangang siguruhin ng pamahalaan na ang bawat kilos nito ay higit na pinagtitibay ang diwa ng konstitusyon. Dahil dito, nariyan ang Kongreso na gumagawa ng mga naaayong batas. Minsan, ito rin ang nagsususog o nagbabago ng mismong konstitusyon kung kinakailangan. Upang makagawa ng batas, ang lehislatura o batasan ay lumilikha ng dalawang pangunahing dokumento: mga panukalang batas (bills) at mga kapasiyahan/resolusyon (resolutions).
Ang mga Resolusyon ay nagpapahayag ng mga prinsipyo at palagay ng Senado o ng Kapulungan ng mga Kinatawan. Masasabing mahahati sa tatlong elemento ang mga resolusyon:
Joint Resolutions o Magkasanib na Kapasiyahan (ng dalawang kamara) – Kinakailangan nito ang pagsang-ayon ng parehong panig ng kamara ng Kongreso at ang lagda ng Pangulo. Kung maaprubahan, may kapangyarihan ito at bisa ng isang batas.
Concurrent Resolutions o Magkapanabay na Resolusyon – Ginagamit ito para sa mga usaping nakaaapekto sa pagkilos ng parehong kamara ng Kongreso. Gayong dapat itong maaprubahan ng parehong kamara, hindi ito ipinadadala sa Pangulo para sa kaniyang pagsang-ayon at, samakatuwid, ay walang kapangyarihan at bisa ng isang batas.
Simple/Unilateral Resolutions o Kapasiyahan ng Isang Panig Lamang – Patungkol ang mga ito sa mga usaping napapaloob lamang sa natatanging karapatan ng isang kamara ng Kongreso. Hindi ito inilalapit sa Pangulo para sa kaniyang pag-aapruba, kaya wala itong kapangyarihan at bisa ng isang batas.
Ang mga Bill o Panukalang Batas ay mga batas na hinuhulma pa lamang. Nagiging ganap na batas ang mga ito kapag sinang-ayunan ito ng parehong kamara at ng Pangulo. Ang isang Panukalang Batas ay maaaring hindi sang-ayunan ng Pangulo sa pamamagitan ng kaniyang kapangyarihang mag-veto. Ngunit ang desisyong ito ay maaari pang mabaligtad sa pamamagitan ng 2/3 na boto ng Kapulungan ng mga Kinatawan. Sa pagkakataong walang maipahayag na pasya ang Pangulo sa isang panukalang batas na ipinasa ng Kongreso, awtomatiko itong magiging batas 30 araw matapos itong matanggap ng Tanggapan ng Pangulo.
Upang masulyapan ang prosesong pinagdaraanan ng mga batas bago pa man ito maging batas, narito ang isang ilustrasyon:
Answers & Comments
Answer:
hope it help^-^
Explanation:
Kabilang sa pahinang ito ang mga sumusunod:
Panimula
Ang Prosesong Lehislatibo
Kasaysayan ng Lehislatura