Positibong resulta ng digmaan ang pagkakatatag ng United Nations (UN)—ang samahan ng nagkakaisang bansa na naglalayong mapanatili ang kapayapaan at kaunlarang panlipunan matapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig.
Ang UN ang humalili sa organisasyong League of Nations na nabuo pagkatapos ng unang digmaang pandaigdig. (Kaugnay: Mga Dahilan ng Unang Digmaang Pandaigdig)
Nabuo ang panukalang pagtatatag ng United Nations sa pagpupulong ng Allies noong Pebrero 1945 sa Yalta, isang resort ng Soviet Union sa Black Sea.
Matapos makumpleto ang ginawang Konstitusyon ng samahan, pormal na itinatag ang United Nations noong ika-24 ng Oktubre 1945, sa pagitan ng 51 bansa na itinuturing na founding members. Umabot na sa 193 ang mga bansang kasapi nito. (Kaugnay: Epekto ng Unang Digmaang Pandaigdig)
May apat na layunin ang United Nations:
(1) panatiliin ang pandaigdig na kapayapaan at seguridad;
(2) paunlarin ang mabuting pagsasamahan ng mga bansa;
(3) makipagtulungan sa paghahanap ng solusyon sa mga suliraning pandaigdig at sa pagtataguyod ng respeto para sa karapatang pantao;
(4) at maging sentro ng pagkakasundo ng mga bansa. Humahanap ang United Nations ng mga paraan upang solusyunan ang mga pandaigdigang labanan o tunggalian at bumabalangkas ng mga polisiya na may epekto sa buhay ng mga tao sa mundo.
Ang lahat ng kasaping bansa o estado sa United Nations—malaki man o maliit, mayaman man o mahirap, at iba’t iba man ang relihiyon, paniniwalang pulitikal, at sistemang panlipunan—ay mayroong boses at boto sa samahan. Ang United Nations ay nagsusumikap na itaguyod and mga karapatang pantao, bawasan ang kahirapan, bakahin ang mga sakit, at protektahan ang kapaligiran. Pinamumunuan din ng United Nations ang mga pandaigdigang kampanya kontra sa terorismo at paglaganap ng ipinagbabawal na gamot.
Ang Pagtatatag ng United Nations at UN Charter
Ang Mga Nagkakaisang Bansa (The United Nations; Organization of the United Nations; dinadaglat bilang UN) ay itinatag noong Oktubre 24, 1945 sa San Francisco sa America pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Ang United Nations ang pinakamalaking kapisanang pandaigdig sa mundo na umiiral para sa pangunahing layunin na panatilihin ang kapayapaan ng mga bansa. Ito ay nagreresolba ng mga suliranin sa paraaang hindi nakalalabag sa soberanya ng mga bansang kasapi nito.
Ang UN ang sumunod sa yapak ng Liga ng mga Bansa, isang organisasyong nabuo taong 1920. Ang aktuwal na himpilan ng United Nations ay matatagpuan ngayon sa Lungsod ng New York. Ang lahat ng mga bansang soberano na kinikilala ng pandaigdigang komunidad ay mga miyembro ng United Nations, maliban sa Vatican City, na isa lamang tagamasid, at ang Republic of China (dahil sa ang isa pang gobyerno sa China na People’s Republic of China ay kasapi na). Noong Setyembre 2003, ang UN ay mayroong 191 mga bansang kasapi.
Answers & Comments
Answer:

Explanation: