Ano man ang pananaw mo sa iyong sarili, ang iyong halaga ay hindi nasusukat sa iyong hitsura o anumang nakikita ng mata. Ang tunay na kagandahan ay makikita sa tiwala at kumpyansa mo sa sarili, sa iyong pananaw kung sino at ano ka, ang mga pangarap at pananaw mo sa buhay, ang iyong pag-uugali, at kung paano mo sinusulong ang buhay at ang epektong maibabahagi mo sa mga tao. Nagiging espesyal ka dahil sa mga katangi-tanging taglay mo na hindi mo kailanman mauulit o magagaya pa ng sinumang nilalang na nabubuhay, pumanaw na o nabubuhay pa. ang iyong natatanging kumbinasyon ng mga lakas at kahinaan, mga gusto at ayaw, at mga pangarap at prinsipyo ay iyo lamang at wala ng makakagaya pa.

Pagsusuri
Ito ay sanaysay na ________ dahil_______________________________________ _________________________________________________________________________ _________________________________________________________________________
Sanaysay 2: Paghuhugas ng Kamay Isa sa mga maaaring paraan na mahawa ang sakit na dulot ng bakterya ay ang physical contact lalo na ang hard contact. Ang kamay ang isa sa mga pinaka-importante at pinaka- gamitin na parte ng katawan ng tao. Ginaga- mit ang kamay sa halos lahat ng pang-araw-araw na gawain ng tao. Na-expose ito sa iba’t ibang mga gamit na dahilan upang ituring itong pinakamaruming bahagi ng katawan. Sa simpleng paghawak sa maruming bagay ay maaaring makuha ang bakterya at mikrobyo na maaaring magdulot ng impeksyon kaya naman ang paghuhugas ng kamay ay napakahalaga. Ayon sa Department of Health (DOH), dapat hugasan ang kamay bago at pagkatapos kumain, matapos gumamit sa palikuran, at bago matulog. Mula sa isang pag-aaral, ang simpleng paghuhugas ng kamay na may kasamang anti-bacterial soap ay nagpapababa hanggang 60% tsansa na matamaan ng influenza, sipon, lagnat, sore throat at iba pang karamdamang dala ng bacteria at virus. Maituturing man na hindi gaanong mahalagang gawi at kadalasang nakalilimutan, malaki pa rin ang pakinabang na nakukuha mula sa paghuhugas ng kamay. Nakatutulong ito na mapanatiling malusog at matiwasay ang pamumuhay. Simple lang at hindi naman at hindi magastos ang paghuhugas ng kamay kaya marapat lamang na sanayin ang sarili nito.

Pagsusuri
Ito ay sanaysay na ________ dahil__​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.