Ano kaya ang kalalabasan ng mga pangyayaring nakalahad sa bawat bilang? Maghinuha batay sa nabasa o napakinggang akda. Bigyang-paliwanag din ang iyong hinuha.
1. Kung magpapatuloy pa rin si Pilandok sa ginagawang panlalamang o panloloko sa mga kapwa niya hayop
A. iiwasan sya ng mga hayop at walang makikipagkaibigan o makikisama sa kanya
B. Mapipili sya bilang pinuno at gagayahin din ng ibang hayaop ang mga halimbawa niya.
C. pupurihin nila ang mga ginagawa ni Pilandok sa kanyang mga kapwa hayop
Dahil_____________________________________________
2. Naisahan na naman ni Pilandok ang buwaya. Ano kaya ang mangyayari sa susunod na mag-krus uli ang landas ng dalawa?
A. Hindi na pakakawalan nang buhay ng buwaya si Pilandok
B. Muli na namang maiisahan ni Pilandok ang buwaya
C. Magiging magkaibigan na si Pilandok at ang buwaya
Dahil_____________________________________________
3. Nagbunyi ang ibang hayop nang matalo ng isang munting suso si Pilandok. Ano kayang mensahe ang ipinaabot ng mga hayop kay Pilandok?
A Pumusta kami kay suso kaya sa pagkatalo mo ay mayroon kaming matatanggap na premyo
B. Tama lang na nangyari iyan sa'yo para malaman mo kung ano ang nadarama ng kapwa mo kapag ikaw naman ang nanlilintang sa kanila.
C. Ang galing mo talaga Pilandok! Ikaw ang "Idol" naming mga hayop dito.
Dahil_____________________________________________
4,Tinanggap ni Pilandok ang pagkatalo niya kay Suso at nangako pang magbabago na. Anong katangian ang makikita kay Pilandok dahil sa ginawa niyang ito.
A. Marunong ding tumanggap ng pagkatalp at alam ni Pilandok kung kailan siya magpapakumbaba.
B.Masipag din pala si Pilandok at gagawin niya ang makakaya para makatulong sa mga kapwa hayop.
C. Mahusay talagang makisama at maaasahan ng maraming.
Dahil_____________________________________________
5. Pagkatapos ng pagkatalo ni Pilandok sa suso at pangangakong magbabago na sa harap ng kanyang mga kapwa hayop, ano kaya ang mangyayari.
A. Muling manlilintang si Pilandok ng hayop kapag siya'y nagipit
B. Liwas na si Pilandok na manlintang o manloko ng ibang hayop
C. Hindi na ipakikita o ipaaalam ni Pilandok sa iba kapag siya'y nanloko uli ng kapwa niya.
Dahil_____________________________________________
Pumili po kayo ng tamang letter tapos po ipaliwanag po ang inyong mga sagot
Answers & Comments
Mga Sagot:
1. Kung magpapatuloy pa rin si Pilandok sa ginagawang panlalamang o panloloko sa mga kapwa niya hayop, anong mangyayari?
A. Iiwasan sya ng mga hayop at walang makikipagkaibigan o makikisama sa kanya.
Dahil hindi mabuti ang kanyang ginagawa na panlalamang o panloloko sa mga kapwa niya hayop kaya mas pipiliin na lamang nila na lumayo at huwag makisama sa kanya.
2. Naisahan na naman ni Pilandok ang buwaya. Ano kaya ang mangyayari sa susunod na mag-krus uli ang landas ng dalawa?
A. Hindi na pakakawalan nang buhay ng buwaya si Pilandok.
Dahil namumuro na siya sa buwaya at mas magiging handa na ito kung sakaling mag-krus uli ang landas ng dalawa.
3. Nagbunyi ang ibang hayop nang matalo ng isang munting suso si Pilandok. Ano kayang mensahe ang ipinaabot ng mga hayop kay Pilandok?
B. Tama lang na nangyari iyan sa'yo para malaman mo kung ano ang nadarama ng kapwa mo kapag ikaw naman ang nanlilintang sa kanila.
Dahil sa kanyang pagkatalo, gusto nila ipadama kay Pilandok ang piling kapag siya ay nanlilintang ng kapwa niya hayop.
4,Tinanggap ni Pilandok ang pagkatalo niya kay Suso at nangako pang magbabago na. Anong katangian ang makikita kay Pilandok dahil sa ginawa niyang ito?
A. Marunong ding tumanggap ng pagkatalo at alam ni Pilandok kung kailan siya magpapakumbaba.
Dahil wala siyang karapatan upang umapela pa at naisip niya ang mga nagawang panloloko kaya siya ay nagpakumbaba.
5. Pagkatapos ng pagkatalo ni Pilandok sa suso at pangangakong magbabago na sa harap ng kanyang mga kapwa hayop, ano kaya ang mangyayari.
B. Liwas na si Pilandok na manlintang o manloko ng ibang hayop.
Dahil para ito sa kanyang ikabubuti at maraming hayop na ang makikipagkaibigan o makikisama sa kanya.
Mensahe:
Sana ako'y nakatulong sa simpleng sagot na aking ibinahagi.
Give thanks and brainliest! You're welcome!