1. Ginagamit ng mga manunulat ang kanilang imahinasyon para sa pagsulat ng mga akdang bungang-isip lamang. Umiimbento sila ng mga kathang-isip na mga tauhan, pangyayari, sakuna, at pook na pinangyahrihan ng kuwento para sa kanilang mga akda.
2. Isang paglalahad, pagsasalaysay, o kinatawan ng isang paksa na inihaharap ng isang may-akda bilang katotohanan. Bumabatay ang may-akda sa mga tunay na balita at iba pang kaganapan, ayon sa kaniyang mga kaalaman hinggil sa paksa. Pinipilit dito ng manunulat na maging tumpak sa mga detalye ng mga pangyayari. Hindi gawa-gawa lamang ang nakakaingganyong kuwento. Ang ganitong paghaharap o presentasyon ay maaaring tumpak o hindi; na ang ibig sabihin ay maaaring magbigay ng tunay o hindi tunay na paglalahad ng paksang tinutukoy.
3. Ang paraan ng paglilipat ng panitikan mula sa dila at bibig ng tao. Noong hindi pa marunong magsulat ang mga ninuno ng mga makabagong Pilipino, binibigkas lamang ang mga panitikan. Kalimitang nagtitipun-tipon ang sinaunang mga Pilipino upang pakinggan ang mga salaysayin, paglalahad o pamamayag na ito. Paulit-ulit nilang pinakikinggan ang mga ito upang matanim sa kanilang isipan. Sa ganitong palagiang pakikinig at pagbigkas ng panitikan, nagawa nilang maisalin ang mga ito papunta sa susunod na salinlahi o henerasyon ng mga Pilipino.
4. Isinatitik, isinulat, inukit, o iginuhit ng mga mga Pilipino ang kanilang panitikan. Naganap at nagsimula ito noong matutunan nila ang sinaunang abakada o alpabeto, kabilang na ang mas naunang baybayin at mga katulad nito.
5. pagsasalin ng panitikan sa pamamagitan ng mga kagamitang elektroniko na dulot ng teknolohiyang elektronika. Ilan sa mga halimbawa nito ang paggamit ng mga diskong kompakto, plaka, rekorder (tulad ng tape recorder at ng DVD), mga aklat na elektroniko (hindi na binubuklat dahil hindi na yari sa papel, bagkus ay nasa mga elektronikong anyo na), at ang kompyuter.
Answers & Comments
Answer:
Uri ng panitikan

Verified answer
Answer:
credit to the real owner of this answer
Explanation:
Pa brainliest need lang po
ty and godbless ^-^