Kilala si Ricky Reyes bilang isang beauty expert at nagme-may-ari ng mahigit sa 40 salon na nakakalat sa buong bansa. Isa rin siyang pilantropo na walang sawa sa pag-suporta sa mga streetchildren, inmates ng Home For The Aged, senior citizens at mga batang may cancer sa Philippine General Hospital na pinagawan niya ng lugar na tinawag niyang "Munting Paraiso".
Makulay at madrama ang kanyang naging buhay. At gusto kong ipagmalaki na naging bahagi ako ng kanyang buhay.
Di mabilang ang gay hairdressers na patuloy na binibigyan niya ng inspirasyon sa pamamagitan ng pagsasalaysay ng kanyang naging buhay. Tunay na rags to riches ang kanyang life story. "Kung kaya kong umangat sa buhay, kaya rin ninyo," ito ang laging pangaral niya sa mga tauhan niya at myembro ng FilHair Co-Op na kanyang itinatag at pinamumunuan hanggang sa kasalukuyan.
Dahil sa ang tema ng bagong programa ng GMA7, ang Magpakailanman, ay mga true stories na may family values at nagbibigay ng pag-asa sa mga manonood, minarapat ng GMA sa pamamagitan ng mga production executives na sina Ms. Wilma Galvante, Marivin Arayata at Redgie Acuña-Magno na itelevize ang kanyang buhay.
Matagal bago napapayag si Ricky na "Mother" sa lahat niyang kakilala. Kasi nga’y low profile siyang lagi. Nakumbinse lamang siya nang sabihin nila sa kanya na maraming mahihirap ang kanyang mabibigyan ng inspirasyon sa pamamagitan ng pagsasadula ng kanyang life story.
Answers & Comments
Answer: