Ano-ano ang mga salik na nakaiimpluwensiya sa mga pangangailangan ng mga tao?
Answer"
Mga Salik na Nakakaimpluwensiya sa Pangangailangan ng mga tao
•Edad.Ang pangangailangan at kagustuhan ay nagbabago ayon sa edad ng tao. Ang mga kabataan ay nasisiyahang kumain basta’t naaayon ito sa kaniyang panlasa. Ngunit sa pagtanda ng tao, kailangan na niyang piliin ang kaniyang maaaring kainin upang manatiling malusog ang pangangatawan.
•Antas ng Edukasyon.Ang pangangailangan ng tao ay may pagkakaiba rin batay sa antas ng pinag-aralan. Ang taong may mataas na pinag-aralan ay karaniwang mas malaki ang posibilidad na maging mas mapanuri sa kanyang pangangailangan at kagustuhan.
•Katayuan sa Lipunan.Ang katayuan ng tao sa kaniyang pamayanan at pinagtatrabahuhan ay nakakaapekto rin sa kaniyang pangangailangan at kagustuhan. Maaaring ang taong nasa mataas na posisyon sa kaniyang trabaho ay maghangad ng sasakyan sapagkat malaki ang maitutulong nito upang lalo siyang maging produktibo sa kaniyang mga obligasyon at gawain.
•Panlasa.Isa pa sa mga salik na nakapagpapabago sa mga pangangailangan ay ang panlasa. Ang panlasa sa istilo ng paggamit at gupit ng buhok ng mga kabataan ay ibang-iba sa istilo ng mga nakatatanda.
•Kita.Kapag maliit ang kita ng tao, malimit na nagkakasya na lamang siya sa mga pangunahing pangangailangan tulad ng pagkain, damit, at pagkakaroon ng bahay. Samantala, naghahangad ng malalaki at modernong bahay ang mga taong may malaking kita. Kung mas malaki ang kita mas madalas na malaki rin ang konsumo, hindi lamang sa pagkain kundi sa mga bagay na itinuturing na kagustuhan.
Answers & Comments