Ang mga sinaunang relihiyon ay maaaring tumukoy sa mga sumusunod:
Ang Prehistorikong relihiyon na isang pangkalahatang termino na tumutukoy sa mga paniniwalang relihiyoso at kasanayan ng mga taong prehistoriko. Ito ay sumasaklaw sa relihiyon ng mga panahong Gitnang Paleolitiko, Mesolitiko, Neolitiko.
Relihiyon ng Gitnang Paleolitiko:
Ang ilang pinakamaagang ebidensiya ng mga kasanayang relihiyon ay mula sa panahong ito. Ang intensiyonal na libingan na may mga isinamang bagay ang pinakamaagang matutukoy na anyo ng pagsasanay relihiyon. Ito ay nagpapakita ng "isang pagkabahala para sa namatay na lumalagpas sa pang-araw araw na buhay."[16] Bagaman tinutulan ng ilan, ang ebidensiya ay nagmumungkahing ang mga Neanderthal ang unang mga hominid na intensiyonal na naglibing ng kanilang mga namatay sa mga mabababaw na libingan kasama ng mga kasangkapang bato at mga buto ng hayop.[17] Ang ilang mga arkeologo ay nagmungkahi na ang mga lipunan ng Gitnang Paleolitiko gaya ng mga Neanderhtal ay maaaring nagsanay ng pinakamaagang anyo ng totemismo o pagsamba ng hayop bukod sa kanilang paglilibing ng mga namatay. Iminungkahi ni Emil Bächler ang ebidensiyang arkeolohikal na ang isang malawakang kulto ng oso ng mga Neanderthal ay umiral noong Gitnang Paleolitiko.
Larawan ng isang kalahating hayop at kalahating tao sa isang pinta sa kweba sa Dordogne, France na pinaniniwalaan ng mga arkeologo na ebidensiya ng maagang mga kasanayan ng shamanismo.
Ang mga kasanayan ng Shamanismo ay maaaring nagmula noong panahong Paleolitiko na nauna sa lahat ng mga organisadong relihiyon,at tiyak noong panahong Neolitiko.Ayon sa mga antropologo, ang shamanismo ay nabuo bilang isang kasanayan ng mahika upang masiguro ang isang matagumpay na pangangaso o pagtitipon ng pagkain. Ang ebidensiya sa mga kweba at mga guhit sa mga dingding ng kweba ay nagpapakita na ang shamanismo ay nagsimula noong panahong Paleolitiko. Ang isang larawan ay nagpapakita ng isang kalahating hayop na may mukha at mga hita ng isang tao at may mga antler at buntot ng isang stag.
Answers & Comments