Ang "bandurya" ay may maraming kuwerdas. Mayroon itong tatlong kuwerdas sa bawat tono. Ito ay tinutugtog sa pamamagitan ng 'pick' na pinagpapabalikbalik nang mabilis sa isang tono ng magkakalapit na kuwerdas. Ito ay maaaring ihambing sa soprano. Karaniwang tinutugtog nito ang pangunahing himig o melodiya.
Ang "oktabina" ay masmalaki kaysa bandurya at ang hugis ay tulad ng isang gitarang mailit. Tulad ng bandurya ay marami rin itong kuwerdas na tinutugtog sa pamamagitan ng 'pick' . Ito ang tenor ng grupo sapagkat mataginting ang timbre nito.
Ang hugis ng "loud" ay tulad ng sa bandurya subalit ito ay mas malaki nang kaunti. Ang loud ay may maraming kuwerdas at tinutugtog tulad ng sa bandurya at aktabina. Mababa ang tunog ng loud at ito ang sumusoporta sa melodiya. Ito ang alto ng rondalya.
Ang "baho de arko" ang pinakamalaking instumentro ng rondalya. Kasintaas ito ng tao kaya't ang tumutugtog nito ay nakatayo. Apat lamang ang kuwerdas ng baho de arko at ang mga ito ay tinutugtog sa pamamagitan ng pagkalabit ng mga daliri. Matataba ang kuwerdas nito kaya't ang timbre ay mababa.
Isang daloy na himig lamang ang natutugtog ng bandurya, oktabina, loud, at baho kaya't kinakailangan ang Instromentong pangsaliw. Ang "gitara" ang nagbibigay ng akorde bilang pangsaliw sa mga melodiyang nanggagaling sa instrumento ng rondalya.
Answers & Comments
Answer:
Mga instrumento ng rondalla "accept", Banduria, Laud, Guitar.
Step-by-step explanation:
:)
☆ * . ☆
. ∧_∧ ∩ * ☆
* ☆ ( ・∀・)/ .
. ⊂ ノ* ☆
☆ * (つ ノ .☆
(ノ