PANG-URI – Kilalanin ang tatlong(3) uri ng pang-uri – ang Lantay, Pahambing, at Pasukdol, at mga halimbawa ng mga ito.
Isa sa mga bahagi ng pananalita ay ang Pang-uri. Ito ay tumutukoy sa mga salitang naglalarawan sa pangngalan ng tao, bagay, hayop, lugar, o pangyayari. Maaari rin itong magbigay turing sa isang panghalip.
Kaantasan ng Pang-uri
Lantay
naglalarawan ang pang-uring lantay ng isang pangngalan o panghalip.
Pahambing
Nagtutulad ang pahambing na pang-uri sa dalawa o higit pang pangngalan o panghalip. May dalawang uri ng pahambing na pang-uri.
a. Pahambing na magkatulad. Ipinakikilala ito ng mga panlaping ka-, ga-, sing-, kasing-, magkasing-, magsing-. Ipinapakilala ang magkapantay na katangian ng dalawang bagay na pinaghahambingan.
b. Pahambing na di magkatulad. Ito ay kung hindi magkapantay ang katangian ng pinaghahambingan. Ginagamitan ito ng mga salitang higit, lalo, mas, di gaano, at tulad.
Pasukdol
Ang pasukdol na antas ng pang-uri ay katangiang namumukod o nagngingibabaw sa lahat ng pinaghahambingan.
Answers & Comments
Explanation:
Ang pang-uri ay mga salitang nagsasaad ng katangian o uri ng tao, hayop, bagay, lugar, at pangyayari.
May iba’t ibang kaantasan ang pang-uri. Ang mga ito ay lantay, pahambing, at pasukdol
Answer: