Answer:
Ang salitang birtud ay isang katangian ng isang tao na totoong mabuting tao o
sa salitang Ingles ay upright man. Ang virtue ay nagmula sa salitang Latin na
virtus (vir) na ang ibig sabihin ay pagiging tao, pagiging matatag at pagiging
malakas. Ito ay para lamang sa tao at hindi para sa anumang hayop. Ang birtud
ay hindi taglay ng tao sa kanyang kapanganakan. Habang ang tao ay lumalaki
dun niya natutuklasan ang kanyang kamalayan at siya ay natututo kung paano
kumilos, mangatwiran at magpasiya
1. Intelektwal na Birtud – Ito ay may kinalaman sa isip ng tao.
Mga Uri ng Intelektwal na Birtud:
a. Pag-unawa (Understanding) – Ito ang pinakapangunahin sa lahat ng
birtud na nakakapagpaunlad ng isip.
b. Agham (Science) – Ito ay sistematikong pag-aaral na may tiyak at
wastong kaalaman dahil nakabatay sa pananaliksik at pagpapatunay.
c. Karunungan (Wisdom) – Ito ang pinakawagas na uri at huling yugto ng
kaalaman.
d. Maingat na paghuhusga (Prudence) – Ito ay isang uri ng kaalaman na
naglalayong sabihin sa ating sarili kung paano kumilos ng tama at
wasto. Ito ay nagbibigay-liwanag sa lahat ng ating mabuting asal o ugali.
e. Sining (Art) – Ito ay tamang kaalaman na dapat gawin na kung saan
lumilikha ito ng mga iba’t ibang bagay na maaaring pakinabangan.
2. Moral na Birtud – Ito ay may kinalaman sa pag-uugali ng tao at
may kaugnayan sa kilos-loob.
Mga Uri ng Moral na Birtud
a. Katarungan (Justice) – Ito ay isang birtud na gumagamit ng kilos-loob
upang makamtan ng tao ang anumang nararapat sa kanya, anupamang
estado niya sa lipunan.
b. Pagtitimpi (Temperance/Moderation) – Punung-puno ang mundo ng
katuksuhan. Kailangan ng mundong ito ang moderasyon o pagbalanse.
Ang tao ay dapat matutong makapagtimpi upang makaiwas siya sa lahat
ng tukso.
Explanation:
sna mabrainliest
Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.
Answers & Comments