Pagtiyak sa Damdamin, Tono, Layunin at Pananaw ng Teksto.
Explanation:
Sa pamamagitan ng pagbabasa, natutuklasan ang mga damdamin, tono, layunin at pananaw ng manunulat sa pagsulat ng teksto o akda. Sinasadya man o hindi, mababakas ang saloobin at karanasan ng may-akda sa kanyang isinulat. Matutukoy ang mga ito sa pamamagitan ng mga salitang ginamit niya sa teksto.
Damdamin (emotion) – tumutukoy sa saloobing nalilikha ng mambabasa sa teksto. Ito ay maaaring tuwa, lungkot, galit, poot, takot, paghanga, pag-ibig o humaling, pagnanais, pagkagulat, pagtataka, pag-asa, kawalang pag-asa, katapangan, pangamba, pagkainis, pagkayamot, at iba pang emosyon o damdamin.
Tono (tone) – tumutukoy sa saloobin ng may-akda sa paksang kanyang isinulat. May mga may-akda na nagagawang magaan ang paglalahad sa isang seryosong paksa. Ang tono ay maaaring mapagbiro o mapanudyo, masaya o malungkot, seryoso at satiriko.
Layunin (objective) – tumutukoy sa kung ano ang nais mangyari ng isang manunulat o awtor sa kanyang mambabasa. Ito ay maaaring manghikayat, mang-impluwensiya, mangaral, magtanggol, mang-aliw, manlibang, magbigay ng impormasyon, magbahagi ng isang paniniwala o prinsipyo, magturo ng kabutihang asal at iba pa. ang isang teksto ay maaaring may dalawa o higit pang layunin depende sa hangarin ng manunulat.
Pananaw (point of view) – ito ay tinatawag ding punto de vista. Sa maluwag na pagtuturing, masasabing ito ay paraan ng pagtanaw ng manunulat sa kanyang akda. Gayunman, sa pagtalakay ng anomang akda o teksto, ito ang sumasagot sa tanong na “Sino ang nagsusulat o nagkukuwento?”
Sa pamamagitan ng pananaw, nakikilala ng mambabasa ang nilikha ng naglalahad at ng pangyayaring inilalahad, at kung gaano ang nalalaman ng naglalahad. Ang pananaw na gagamitin sa teksto o akda ay nakadaragdag ng kawilihan sa pag-unawa nito.
Ang pananaw ng awtor ay makikita sa pamamagitan ng mga panghalip na ginamit sa teksto.
Answers & Comments
Answer:

Unang panauhang pananaw – ako, ko, akin, atin, natin, tayo, kami
Ikalawang panauhang pananaw (tagamasid) – ikaw, mo, ka, iyo, kanila, kita, kayo, inyo, ninyo
Ikatlong panauhang pananaw – siya, niya, kanya, sila, nila, kanila