Answer:Ang sinisimbolo ng aklat sa edukasyon ay ang "karunungan at kaalaman". Ang mga aklat sa edukasyon ay naglalaman ng mga aralin sa iba't ibang asignatura. Ang mga aralin na nakapaloob dito ay kinakailangang maituro ng mga guro sa mga mag-aaral. Ang aklat sa edukasyon ay punong puno ng karunungan at kaalaman na dapat matutunan ng mga mag-aaral sa paaralan.
Ang aklat ay nagsisilbing katulong ng mga guro upang mahubog, mapaunlad at mapalawak ang kaalaman ng bawat kabataan. Ang aklat ay naglalaman ng di mapapantayang karunungan ng isa o maraming tao sa iba’t-ibang larangan ng buhay. Isa rin itong mahalagang bagay na magpapalalim at magpapalawak ng imahinasyon ng isang tao. Maraming naidudulot ang pagbabasa ng mga aklat sa isang tao, sa pagbabasa makakatuklas tayo ng iba't ibang kaalaman, makakapunta tayo sa iba't ibang lugar dulot ng malawak nating imahinasyon at makakaagpaunlad ng ating bokabularyo na magagamit natin sa pang-araw araw na pamumuhay.
Ang edukasyon ay isa sa pinakamahalagang bagay na dapat makamtan ng isang tao sa kanyang buhay, ito ang magsisilbing susi sa ating tagumpay, ito ang humuhubog sa ating mga isipan, damdamin at pakikisalamuha sa kapwa. Sa pamamagitan ng pagkakaroon ng isang sapat na edukasyon maaari kang magkaroon ng isang mas mahusay at maayos na kinabukasan, maging handa sa hinaharap. Ito rin ang nagsisilbing sandata na magagamit natin para mabago ang mundong ating ginagalawan.
Answers & Comments

Explanation:pa brainliest po thank you