ramosalmaepba7s5
Mga mama.. mga ale... ginto...?" ang alok-anyaya ng isang babaing nakakimona at ang saya ay humihilahod sa sakong at siyang lumilinis sa makapal na alikabok sa bangketa.
ramosalmaepba7s5
Baka po kayo may ginto?" ang muling sigaw ng babae. " Kung may ginto ako bakit ko ipagbibili? Hindi baga mas mahal ang ginto kaysa kwalta?" sambot ng isang lalaki na ang kausap ay ang kaakbay.
ramosalmaepba7s5
Ang kalipunan ng mga taong naglipana sa Azcarraga, Avenida Rizal at Escolta ay mga mamimiling walang puhunan (karamihan) at mga tagapagbili ng mga bagay na wala sa kanila at lalong hindi kanilang pag - aari.
ramosalmaepba7s5
Ang hanapbuhay ng mga ito ay magtala sa papel ng mga bagay na nababalitaang ipinagbibili. Madalian ag kanilang usapan, Mabilis magkasundo. Tiyak ang pook na tipanan sa harap ng isang mesa: sa ibabaw ng umaasong kapeng-mais na pinapuputla ang kulay ng gatas na may bantong gatas ng niyog. Kung sila'y palarin; kakamal ang libo, kung mabigo naman ay gutom maghapon
ramosalmaepba7s5
Sa tawaran ay hindi magkamayaw. Tingin, tawad, silip, tingin, tawad. Tingin sa singsing, sa kwintas, hikaw, at pulseras. " Ilang ply, anong sukat ng goma?" usisa ng isa. " Ano? In running condition ba? Baka hindi, Mapapahiya tayo," ang paniniyak ng isa naman. " Aba! sinasabi ko sa iyo... garantisado. hindi ka mapapahiya," tugon ng tinanong.
ramosalmaepba7s5
Hoy,Tsiko, ang iyong lote, may tawad na. Ano, magkano ang talagang atin doon? Mayroon na ba tayo? Baka wala? Ihanda mo ang papel. Bukas ang bayaran. Tiyakin mo lang ang ating salitaan ha? Kahit hindi nakasulat... ikaw ang bahala. " " Ako ang bahala, boy. Alam mo na ang bilis natin, hindi ka maaano. Hawak natin ang ibon. "
Answers & Comments
Answer:
nasan. po yung kwento?
Explanation:
?
" Ilang ply, anong sukat ng goma?" usisa ng isa.
" Ano? In running condition ba? Baka hindi, Mapapahiya tayo," ang paniniyak ng isa naman.
" Aba! sinasabi ko sa iyo... garantisado. hindi ka mapapahiya," tugon ng tinanong.
" Ako ang bahala, boy. Alam mo na ang bilis natin, hindi ka maaano. Hawak natin ang ibon. "