➣Mula sa salitang Greek na "geographia" na nangangahulugang 'paglalarawan ng daigdig'. Tinatalakay dito ang distribusyon at interaksiyon ng samo't saring pisikal, biolohikal, at kultural na katangian ng mga bagay sa ibabaw ng daigdig. Maiuugnay ito sa ibang asignatura tulad ng kasaysayan, agham pampolitika, sosyolohiya, at ekonomiks. Mayroong 'limang tema' na kinakasangkapan sa pag-aaral nito, ginagamit ang mga temang ito upang higit na mapaghusay ang paraan ng pag-iisip ng tao tungkol sa kaniyang ginagalawang daigdig.
Limang Heograpikal na Tema
➣lokasyon, lugar, rehiyon, interaksiyon ng tao sa kapaligiran, at paggalaw. Ginagamit ang mga temang ito upang higit na mapaghusay ang paraan ng pag-iisip ng tao tungkol sa kaniyang ginagalawang daigdig. Layon nitong mailarawan ang paggamit ng espasyo sa daigdig upang higit na maunawaan ang mga isyung lokal, pambansa, at pandaigdig.
Heograpo o Heograpikal
➣Tawag sa mga nagpapakadalubhasa sa pag-aaral ng Heograpiya. Sinusuri nito ang pisikal na katangian ng daigdig at ang mga pagbabago nito at ang kaugnayan nito sa mga taong naninirahan dito.
Answers & Comments
Heograpiya