Hindi naging madali ang anim na taong panunungkulan ni Pangulong Cory Aquino. Sa kabila ng mga positibong nai-ambag ng kanyang administrasyon sa bansa, hindi maikakaila na ang electric power shortage ang isang negatibong aspeto ng kanyang pamumuno na hindi nalilimutan ng ilan nating mga kababayan. Maraming negosyo kasi ang lubhang naapektuhan nito.
Bukod pa r’yan, ilang beses din na nagkaroon ng pagtatangkang agawin sa kanya ang pagkapangulo ng pamamaraan ng kudeta, nagkaroon din ng matitinding kalamidad dulot ng bagyo, lindol at ng pagsabog ng Bulkang Pinatubo.
Sa pagtatapos ng kanyang termino, may mga humimok kay Aquino na muling tumakbo sa pagka-pangulo. Subalit tinanggihan na niya ito at nag-endorso na lamang ng kanyang kandidato.
Matapos na bumaba sa kaniyang pwesto, naging abala si Cory sa pagpipinta at pagdalo sa mga pagpupulong sa ibang bansa.
Noong March 24, 2008, inanunsyo ng kaniyang pamilya na ang dating Pangulo ay may sakit na colorectal cancer.
Unang araw ng August 1, 2009, binawian ng buhay si dating Pangulong Cory Aquino sa edad na 76.
Ang paghahatid sa kaniyang huling hantungan ang isa sa pinaka-dinagsang libing sa kasaysayan ng bansa, na nagpapakita lamang na sa kabila ng kanyang pagkamatay, ang “Cory Magic”ay nananatiling buhay.
Answers & Comments
Answer:

Explanation:
sana po maktulong KO