Bigyan ng sapat na bentilasyon. Dalhin ang nahimatay sa lugar na may sapat na bentilasyon. Alisin ang pasyente sa siksikang lugar o sa palibot ng mga taong nakikiusyoso. Kung wala talagang lugar na mas maginhawa, paypayan ang nahimatay para makalanghap siya ng hangin.
Ihiga ang nahimatay. Kung pwedeng makahiga ang nahimatay, pahigain ito nang nakataas ang mga paa para makadaloy ang sapat na dugo papuntang utak.
Paupuin nang nakatungo. Kung hindi naman makakahiga, paupuin ang nahimatay nang nakatungo. Idikit ang ulo sa pag-itan ng mga hita habang nakaupo.
Alisin ang masisikip na pananamit. Para mas maging maayos ang paghinga ng nahimatay, alisin ang pagkakabutones ng bra, blusa o polo, pantalon, at sinturon. Habang ginagawa ito, panatilihin pa rin ang privacy ng nahimatay.
Huwag pipiliting painumin ng tubig. Ang taong nahimatay ay walang malay. Kung bibigyan mo ang pasyente ng tubig, maaari siyang mabulunan at ito ay mas delikado. Kaya huwag gagayahin ang mga napapanood sa TV na pinapainom agad ng tubig ang nahimatay. Gawin lamang ito kapag may malay na ang pasyente
Answers & Comments
Ang mga maaari mong gawin para makatulong:

-Just trying to help my fellow students
#CarryOnLearning