Ang pang-uri ay bahagi ng pananalita na naglalarawan o nagbibigay-turing sa mga pangngalan o panghalip. Ang
pang-uri ay nagbibiga ng karagdagang impormasyon tungkol sa isang pangngalan (tao, bagay, hayop, lugar, at iba pa) o panghalip sa pangungusap. Ito ay may kaantasan o kasidhian.
Kaantasan ng pang-uri
Lantay
Ito ay paglalarawan ng isa o payak na pangngalan o panghalip. Naglalarawan ang pang-uring lantay ng isang pangngalan o panghalip na walang pinaghahambingan.
Halimbawa:
Mabilis na lumipas ang mga minuto.
Ang masasayang araw na magkasama sila ni Glenda.
PAGHAMBING
Ang pang-uring ginagamit sa antas na ito ay pagtutulad ng dalawang pangngalan o panghalip. Ito ay may dalawang uri: magkatulad at di-magkatulad.
a. Magkatulad - Ito ay ginagamit kung ang paghahambingin ay patas o parehas ng katangian. Karaniwang gumagamit ng panlaping ka, magka, sing, gaya, tulad, at iba pa.
b. Di-magkatulad - Ang paghahambing na ito ay nagbibigay ng diwa sa pagtanggi o pagsalungat sa pinaghahambingan. At mayroong dalawang uri nito:
Palamang - may higit na positibong katangian ang inihahambing sa bagay
na pinaghahambing. Naipakikita ito sa pamamagitan ng paggamit ng mga
salitang lalo, higit, „di-hamak, mas, at iba pa.
Pasahol - kapag may higit na negatibong katangian ang
pinaghahambingan. Gumagamit ng „di-gaano, „di-gasino, at „di-masyado.
Halimbawa:
Magkasingwagas ang pagmamahal ni Diel at ni Glenda sa isa‟t isa.
Higit na mabuti ang kalooban ng matandang babae kaysa sa tiya ni Diel.
Di-gaanong maawain si Aling Shiela sa kaniyang asawa kaya wala siyang kaibigan.
PASUKDOL
Nasa pinakadulong kaantasan ito. Ito ay maaaring positibo o negatibo. Ang paglalarawan ay masidhi kaya naman maaaring gumamit ng mga katagang pinaka, sobra, ubod, tunay, talaga, saksakan, hari ng, at kung minsa‟y pag-uulit ng pang-uri.
Halimbawa:
Para sa kaniya, si Glenda ang pinakamagandang babae na kaniyang nakilala.
Tunay na dakila ang pagmamahal ni Diel kay Glenda.
Ang nararamdaman ni Diel ay ubod ng lungkot sapagkat hindi niya makasama ang taong minamahal niya.
Answers & Comments
Verified answer
Kasagutan:
Pang-uri