Pang-uri - ay bahagi ng pananalita na nagbibigay deskripsyon o turing sa ngalan ng tao, bagay, hayop, pangyayari, lugar, kilos, oras, at iba pa. Kadalasan, ginagamit ito upang mas bigyang linaw ang isang pangngalan.
• Maganda ang asawa ni Mang Tonyo kahit may edad na ito.
• Hugis bilog ang dala niyang tinapay para sa mga bata.
• Pulang-pula ang nabili na damit ni Theresa para sa kaarawan niya
Pang-abay - ay ang bahagi ng pananalita na naglalarawan o nagbibigay-turing sa pandiwa, pang-uri, at maging sa kapwa nito pang-abay. Sa Ingles, ito ay tinatawag na adverb.
Halimbawa:
(Salita)
Hinay-hinay, Malakas, Araw-araw, Mabilis, at Bukas.
(Pangungusap)
• Mabilis ang pagmamaneho ni Roldan ng dyip kaya hindi siya agad naka-iwas sa kariton na biglang sumulpot sa kalsada.
• Araw-araw ay dinadalhan ni Aling Fely ng pagkain si Simeon sa ospital kahit na ayaw siyang makita ng anak niya.
• Marami na marahil ang nakarinig na uuwi ang mag-asawang Don Juanito at Señora Veronica sa Hacienda de Gloria.
Answers & Comments

Maganda, Bilog, Pulang-pula, Mataas, Araw-araw, Seryoso, Balat-sibuyas, Mapagbigay