Ang salawikain ay mga kasabihan o kawikaan na nagbibigay ng magagandang aral at gabay sa pamumuhay, sa asal, at sa pakikipagkapwa. ng tao. Ito ay isang tuntunin o kautusang kinilala at pinatibay ng karanasan. Ito rin ay nag-uugnay lalong-lalo na sa mga bagay at kapakanang maaaring mangyari o may kahalagahan sa buhay.
MGA HALIMBAWA NG SALAWIKAIN:
Pagkahaba-haba man ng prusisyon, sa simbahan din ang tuloy.
Ang taong nagigipit, sa patalim man ay kumakapit.
Nasa tao ang gawa nasa Diyos ang awa .
Kung ano ang puno, siya ang bunga .
Kung ano ang itinanim, ay siyang aanihin .
Ang mabigat ay gumagaan kapag nagtutulungan.
Ang taong walang kibo ay nasa loob ang kulo.
Kung may tinanim, may aanihin.
Ano man ang iyong gagawin, makapitong beses dapat iisipin.
Sala sa lamig, sala sa init.
Ang tunay na kaibigan, makikilala sa oras ng kagipitan.
Aanhin pa ang damo kung patay na ang kaayo.
SAWIKAIN
Ang sawikain o idiyoma ay mga salitang patalinhagang karaniwang ginagamit sa araw-araw. Ito ay nagbibigay ng di-tiyak na kahulugan ng salitang isinasaad nito.
MGA HALIMBAWA NG SAWIKAIN:
Anak-dalita - mahirap
Bukal sa loob - mabait
Usad-pagong - mabagal
Mahigpit na pamamalakad -- malupit
Hinahabol ng karayom – may sira ang damit
Parehong kaliwa ang paa – hindi marunong sumayaw
Tulain mo na lamang – hindi magaling umawit
Parang suman – masikip ang damit
Basang sisiw – kaawa-awa
Batang-isip - walang muwang
Huling baraha – natitirang pag-asa
Huling hantungang - libingan
KASABIHAN
Ang kasabihan ay tinatawag natin na “saying” na tumutukoy sa mga pangungusap na madalas nagpapakita ng magandang aral para sa mga tao.
Ang mga kasabihan ay mabisa ring gamitin pangturo sa mga bata ng magandang aral at ng mga realidad sa buhay.
MGA HALIMBAWA NG KASABIHAN:
Kapag makitid ang kumot, matuto kang mamaluktot.
Ang mabuting ugali, masaganang buhay ang sukli.
Kung may tiyaga, may nilaga.
Ang kaginhawaan ay nasa kasiyahan at wala sa kasaganahan.
Walang umaani ng tuwa, na hindi sa hirap nagmula.
Ang gumagawa ng kabutihan, hindi matatakot sa kamatayan.
Ang tunay na kaibigan sa ligaya at kalungkutan, ikaw ay sasamahan.
Walang mahirap na gawa kapag dinaan sa tiyaga.
Kung ano ang itinanim ay siya rin ang aanihin
Ang batang hindi nagsasabi ng katotohanan ay hindi maaasahan.
BUGTONG
Ang bugtong ay isa sa mga usong libangan ng mga bata noon. Ito ay mga pangungusap na palaisipan at may nakatagong kahulugan. Ang paglalaro nito ay patalasan ng isip.
MGA HALIMBAWA NG BUGTONG:
1. Langit sa itaas, langit sa ibaba, tubig sa gitna
Sagot: Niyog
2. Ate mo, ate ko, ate ng lahat ng tao
Sagot: Atis
3. Kung tawagin nila ay “Santo” pero hindi naman ito milagroso
Sagot: Santol
4. Ang anak ay nakaupo na, ang ina’y gumagapang pa
Answers & Comments
Answer:
SALAWIKAIN
Ang salawikain ay mga kasabihan o kawikaan na nagbibigay ng magagandang aral at gabay sa pamumuhay, sa asal, at sa pakikipagkapwa. ng tao. Ito ay isang tuntunin o kautusang kinilala at pinatibay ng karanasan. Ito rin ay nag-uugnay lalong-lalo na sa mga bagay at kapakanang maaaring mangyari o may kahalagahan sa buhay.
MGA HALIMBAWA NG SALAWIKAIN:
SAWIKAIN
Ang sawikain o idiyoma ay mga salitang patalinhagang karaniwang ginagamit sa araw-araw. Ito ay nagbibigay ng di-tiyak na kahulugan ng salitang isinasaad nito.
MGA HALIMBAWA NG SAWIKAIN:
KASABIHAN
Ang kasabihan ay tinatawag natin na “saying” na tumutukoy sa mga pangungusap na madalas nagpapakita ng magandang aral para sa mga tao.
Ang mga kasabihan ay mabisa ring gamitin pangturo sa mga bata ng magandang aral at ng mga realidad sa buhay.
MGA HALIMBAWA NG KASABIHAN:
BUGTONG
Ang bugtong ay isa sa mga usong libangan ng mga bata noon. Ito ay mga pangungusap na palaisipan at may nakatagong kahulugan. Ang paglalaro nito ay patalasan ng isip.
MGA HALIMBAWA NG BUGTONG:
1. Langit sa itaas, langit sa ibaba, tubig sa gitna
Sagot: Niyog
2. Ate mo, ate ko, ate ng lahat ng tao
Sagot: Atis
3. Kung tawagin nila ay “Santo” pero hindi naman ito milagroso
Sagot: Santol
4. Ang anak ay nakaupo na, ang ina’y gumagapang pa
Sagot: Kalabasa
5. Maliit na bahay, puno ng mga patay
Sagot: Posporo
6. Dumaan ang hari, nagkagatan ang mga pari
Sagot: Zipper
7. Tubig na nagiging bato, batong nagiging tubig
Sagot: Asin
8. Naligo si Kaka, ngunit hindi man lang nabasa
Sagot: Dahon ng Gabi
9. Bumili ako ng alipin, mas mataas pa sa akin
Sagot: Sombrero
10. May balbas ngunit walang mukha
Sagot: Mais