Ang pagtugon ng lalaki at ng aso sa paalala ay magkaiba sapagkat ang lalaki ay susunod sa paalala samantalang ang aso naman ay hindi. Ang pagkakaibang ito sa paraan ng pagtugon ay dulot ng pagkakaroon ng lalaki ng kakayahang umunawa na wala sa aso. Ang isip ng tao ang siyang dahilan ng malaking kaibahan ng tao sa hayop.
Paliwanag:
Ang makaunawa ay tumutukoy sa kakayahan ng isip na layong makakuha ng buod ng karanasan at makabuo ng kataga upang bigyan ito ng kahulugan. Ang makaunawa ay isa lamang sa mga kakayahan ng isip maliban sa maghusga at mangatwiran. Ito ang pangunahng dahilan kumbakit naiiba ang tao sa hayop sa kabila ng katotohanan na kapwa sila nilalang ng Diyos.
Kapwa ang tao at hayop ay mayroong pandama na pumupukaw sa kanilang kaalaman. Naapektuhan nito ang kanilang pag iisip kapag ang mga ito ay depektibo o hindi gumagana ng maayos na tulad ng inaasahan. Gayunpaman, nagkakaiba ang tao at hayop sa mga paraan kung paano nila ginagamit ang kanilang pandama. Ang mga hayop ay karaniwang ginagamit ang kanilang pandama bilang sandata upang protektahan ang kanilang mga sarili at patuloy na mabuhay. Ang tao sa kabilang banda ay ginagamit ang kanilang pandama upang piliin ang mga bagay na makabubuti para sa kanya.
Ang pagkagusto ng hayop at tao ay tumutukoy sa pinagmumulan ng kanilang emosyon at pakiramdam. Ang lahat ng hayop ay nakagagawa ng paraan upang makuha o matamo ang mga bagay na kanilang inaasam lalo na kung ito ay kailangan nila upang mabuhay. Ang tao sa kabilang banda ay nakapipili ng mga bagay na gagawin o desisyon na pipiliin ayon sa kanilang pakiramdam o emosyon.
Kapwa ang hayop at tao ay may kakayahang kumilos o gumalaw. Ang kakayahang ito para sa hayop ay karaniwang tumutugon sa kanilang pangangailangan sa seguridad at kaligtasan. Samantala, ang tao naman ay kumikilos ayon sa kanyang kagustuhan. Maaaring piliin ng tao ang direksyong pupuntahan, aktibidad na gagawin, taong kakausapin, at bagay na pahahalagahan.
Answers & Comments
Answer:
Nasa picture yung answer hirap mag type ehh.
Explanation:
pa brainliest hehe^^
Answer:
Isip at Kilos – loob:
Sagot:
Ang pagtugon ng lalaki at ng aso sa paalala ay magkaiba sapagkat ang lalaki ay susunod sa paalala samantalang ang aso naman ay hindi. Ang pagkakaibang ito sa paraan ng pagtugon ay dulot ng pagkakaroon ng lalaki ng kakayahang umunawa na wala sa aso. Ang isip ng tao ang siyang dahilan ng malaking kaibahan ng tao sa hayop.
Paliwanag:
Ang makaunawa ay tumutukoy sa kakayahan ng isip na layong makakuha ng buod ng karanasan at makabuo ng kataga upang bigyan ito ng kahulugan. Ang makaunawa ay isa lamang sa mga kakayahan ng isip maliban sa maghusga at mangatwiran. Ito ang pangunahng dahilan kumbakit naiiba ang tao sa hayop sa kabila ng katotohanan na kapwa sila nilalang ng Diyos.
Kahulugan ng kakayahang makaunawa: brainly.ph/question/417138
Tatlong Pagkakapareho ng Hayop at Tao:
pandama
pagkagusto
paggalaw o pagkilos