Ang baybayin ay tinatawag na sinaunang alpabeto ng mga Pilipino bago pa man dumating ang mga Espanyol at maituro ang alpabetong Romano. Mula ito sa salitang “baybay” ng mga Tagalog na nangangahulugang lupaing nasa gilid ng dagat at ng “pagbaybay” na nangangahulugan ng ispeling. Ang salitang baybayin sa kasalukuyang wikang Tagalog ay katunayang nangangahulugan ng pagbigkas ng mga titik ng isang salita, o "to spell" sa wikang Ingles.
Ang baybayin ay nasa anyong pantigan na may tatlong patinig (a,e-i,o-u) at umaabot sa 14 na katinig. Makikita ang mga halimbawa ng baybayin sa Doctrina Cristiana (1593), ang pinakaunang aklat na nalathala sa Pilipinas na isinulat ng mga misyonerong Espanyol.
Alibata
An alibata ay isang katutubong paraan ng pagsulat ng mga Filipino. Ito ay hango sa Kavi na paraan ng pagsulat ng mga taga-Java. Isang uri ng palaybaybayang hatid sa atin ng mga Malayo at Polinesyo. Sinasabing ang Alibata ay may impluwensya ng palatitikang Sanskrito na lumaganap sa India at sa iba pang mga lugar sa Europa at sa Asya.
Ang alibata ay binubuo ng labimpitong titik: 3 patinig at 14 na katinig. Ang bawat titik ng Alibata ay binibigkas na may tunog na a. Nilalagyan ng tuldok (.) sa ibabaw ng titik kapag bibigkasin ang b ng bi. Nilalagyan ng tuldok (.) sa ilalim ng titik kapag bibigkasing bu ang b. Nilalagyan ng krus (+) sa tabi ng titik kapag nawawala ang bigkas na a sa bawat titik. Ang // ang nagpapahayag ng tuldok.
Kakaiba ang pagsusulat ng alibata hindi katulad ng nakasanayan na ng mga Pilipino. Ang paraan ng pagsulat ng mga katutubo’y patindig, buhat sa itaas pababa at ang pagkakasunod ng mga talata ay buhat sa kaliwa, pakanan.
Answers & Comments
Answer:
Explanation:
Pinagkaiba ng baybayin at alibata
Baybayin