Questions


September 2022 0 0 Report
Ano ang natutunan mosa aso at leon

story
Isang araw, naligaw ang isang matandang aso habang hinahabol ang kuneho.

Mayamaya ay napansin niya buhat sa malayo ang isang leon na tumatakbo papalapit sa

kaniya na may tinging nagugutom. “Palagay ko’y lalapain ako ng nilalang na ito,” sabi ng aso

sa sarili.

Nakakita ang matandang aso ng mga butong nagkakalat malapit sa kaniya. Umayos

siya na animo’y kakainin ang mga ito nang nakatalikod sa paparating na leon. Nang

dadambahin na ng leon, sumigaw ang matandang aso, “Isang napakasarap na leon! mayroon

pa kayang iba rito?”

Nang marinig ng batang leon ang sigaw ng matandang aso ay bigla itong tumigil, at

mabilis na nagtago sa puno. “Marahil ay mabagsik ang matandang asong iyon at marami nang

napatay,” bulong niya sa sarili.

Ang ardilya (squirrel) naman na kanina pa palang nanonood sa malapit na punongkahoy

ay alam ang pandarayang ginawa ng aso at nag-isip na gamitin ang kaniyang nalalaman para

sa kaniyang sariling proteksiyon mula sa leon. “Siguro naman ay makukuha ko ang loob ng

leon,” nakangiting sabi nito sa sarili.

Nang makausap ang leon, ipinaliwanag ng ardilya ang nangyari at gumawa ng

kasunduan. “Baka pinagtatawanan ka ng asong iyon ngayon,” pangising tinuran ng ardilya.

Napoot ang leon dahil sa pagkakalinlang sa kaniya at nagwika, “sumakay ka sa likod

ko at nang makita mo ang mangyayari sa manlilinlang na iyon!”

Natiktikan ng matandang aso ang pagdating ng leon na may nakasakay na ardilya sa

likod. Sa halip na tumakbo, naupo siya at nagkunwaring hindi pa niya sila nakikita. Nang

malapit na ang dalawa at alam niyang siya’y maririnig, ang matandang aso ay nagsabi,

“Nasaan ang ardilyang iyan? Inutusan ko siya, isang oras na ang nakakaraan na dalhin sa

akin ang isa pang leon!” Biglang kinabahan ang leon at bumaling sa ardilya. “Akala ko ba’y kakampi kita?”

“Nilinlang mo lang pala ako at nais mo akong ipakain sa asong iyan?” Akala ng leon ay

talagang inutusan ng matandang aso ang ardilya upang siya ay dalhin sa harap nito. Lingid

sa kaniyang kaalaman, sa laki niya ay kaya niyang patayin at lapain ang matandang aso.

Kumaripas ng takbo ang leon, at ni hindi na nagawang lumingon.

Ang ardilya ay naiwan. Hinarap siya ng matandang aso at galit na nagwika, “Akala mo

siguro ay mapapatay mo ako sa pamamagitan ng leong iyon!” Matanda na ako at marami ng

karanasan. Hindi ninyo ako mapaglalamangan. Nanginginig na humingi ng tawad ang ardilya

please pa help po​

Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.