Epekto ng mga samahang kababaihanDahil sa kahinaan ng civil society at mga partidong politikal, gayundin ang mapaniil na kapasidad ng estado; ang mga kilusang kababaihan sa bansa ay kritikal na patuloy na nagtatanggol sa mga karapatang pantao karapatan ng mga minorya sa Pakistan. SRI-LANKA Ang kababaihan sa Sri-Lanka ay hindi gaanong nakalalahok sa politika.Kaalinsabay ng patuloy na digmaang sibil ay ang patuloy na paglabag sa mga karapatan ng kababaihan.Pumapangalawa lamang sila sa mga kalalakihan pagdating sa papel na ginagampanan sa sistemang politikal. Noong 1994 eleksyon, nagkaroon ng pagkakataon ang kababaihan na ipahayag ang mga isyu tungkol sa kanila. Ang mga isyung ito ay may kinalaman sa mga karahasang nagaganap laban sa kanila. Hiniling nila ang mga partidong pulitikal na magnomina sa mas maraming kababaihan na tatakbo sa eleksyon at isama sa kanilang plataporma ang mga isyung kinakaharap ng mga ito. Dahil dito, pinalakas ng nahalal na People’s Alliance ang probisyon ng Kodigo Penal na may kinalaman sa pang-aabuso sa kababaihan at mga pagbabago sa batas na may kinalaman sa panggagahasa at sexual harassment at iba pa. Hinirang din ng bagong pamahalaan angtatlong kababaihang ministro at apat na deputy ministers sa gabinete. Ang isa sa mahalagang samahan na naitatag noong 1984 sa bansa ay ang Mother’s Front bilang protesta sa pagkawala ng miyembro ng isang pamilya na inaresto at ikinulong ng mga sundalo.Samantala, ang Sri-Lanka Women’s NGO Forum na binuo ng iba’t ibang samahan ay naging aktibo sa pagtataguyod ng partisipasyon ng mga kababaihan sa politika. Taong 1983,sumalakay ang mga militanteng gerilya,na nakilala sa tawag na LTTE (Liberation Tigers of Tamil Eelam). Ang pagsalakay na ito ay nagdulot ng giyera sibil. Itinatag ang LTTE noong 1976 upang maitatag ang isang malayang estado ng Tamil sa Sri-Lanka. Ang mga kaguluhan ay tumagal hanggang 2009.Noong1983, itinatag ng LTTE ang Women’s Front of the Liberation Tigers. Maraming kababaihan ang sumapi rito na sa simula ay aktibo lamang sa pagkalat ng mga propaganda, panggagamot at maghanap ng pondong pinansyal. Sa kalaunan, sila ay naging aktibo na rin sa pakikipagdigma tulad ng kalalakihan. Para sa kanila, ang kapakanan ng bansa ang dapat manguna bago ang lahat. Ipinakita ng kababaihan sa kanilang pagsanib sa LTTE ang pagsuway sa kapangyarihan ng kalalakihan. Ayon sa pahayag ng LTTE noong Marso 8,2004, habang ang kababaihang Tamil ay nakikipagdigma upang palayain ang kanilang teritoryo, ito ay nangangahulugan rin ng pagpapalaya ng kanilang mga sarili sa anumang uri ng opresyon at di makatarungang pagkilos na dulot ng lipunan.
Answers & Comments
Epekto ng mga samahang kababaihan

#Cod.