Sa pagtuturo ng gramatika, hinihimay-himay ang katuturan ng bawat salita upang lubos na maunawaan ng mga mag-aaral, at upang ito’y kanilang magamit sa angkop na mga pagkakataon. Ang mga salitang pangnilalaman (content words) na siyang nagsasaad ng mga paksa at panaguri ay madaling nakikilala sa tulong ng mga salitang istruktural (functional words). Kaya masasabing bawat salita na nakapaloob sa isang pangungusap ay nagtataglay ng iba’t ibang gampanin sa paghahatid ng tiyak na mensahe sa komunikasyon.
Ang yunit na ito ay nakatuon sa iba’t ibang mga pang-ugnay (connectors) na ginagamit sa pagbibigay ng sanhi (cause) at bunga (effect) na siyang ginagamit natin sa mabisang paglalahad ng isang pangyayari. Malalaman din dito ang kahalagahan ng pagbibigay ng malinaw na mensahe lalo na’t nakapaloob ang pagbibigay ng naging sanhi at ang magiging bunga nito.
Mga Layunin
Sa pagtatapos ng yunit na ito, inaasahang ang mga mag-aaral ay:
•• Nakikilala ang mga pang-ugnay sa pagbibigay ng sanhi at bunga;
•• Natutukoy ang angkop na paggamit ng mga pang-ugnay sa pagbibigay ng sanhi at bunga; at
•• Nakasusulat ng tekstong may angkop na paggamit sa mga pang-ugnay sa pagbibigay ng sanhi at bunga.
Balik-Aral
Sa nakaraang aralin, tinalakay ang mga salitang pangnilalaman gaya ng pangngalan, pandiwa, panghalip, pang-uri, at pang-abay. Nalinaw na sa aralin kung ano ang katuturan at mga halimbawa ng mga salitang pangnilalaman. Ngayon, nakatuon naman ang yunit na ito sa pagtalakay sa mga salitang istruktural o pantulong gaya ng mga pang-ugnay.
Answers & Comments
Answer:
Mga Pang-ugnay sa Pagbibigay ng Sanhi at Bunga

Explanation:
Sana nakatulong sayo