Ano ang mga tayutay at simbolismo sa talatang ito:
Samakatuwid, ako'y minahal.
Samakatuwid, ako'y lumigaya.
Samakatuwid, ako'y kapilas ng buhay.
Samakatuwid, ako'y nagtamasa ng dangal.
Lingatan mo ang kaniyang libingan kung siya'y nahimlay.
Tuwinang gugunitain yaring kaniyang palayaw.
Aking supling, mananatili siya sa iyong panambitan, Walang wakas sa kaniya'y daratal mula sa pagsibol ng 'yong kabataan.
Ikaw ang kaniyang kalasag at sibat, pag-asa't kaligtasan sa hukay.
Sa iyo, siya'y muling mabubuhay tulad ng suwi sa kalupaan.
At ako ang ina ng kaniyang panganay.
Ika'y mahimbing, supling ng leon, nyongeza't nyumba.
Ika'y mahimbing,
Ako'y wala nang mahihiling.