Mga Hamon at Suliraning Hinarap ng Administrasyon ni Benigno Aquino III
• Bagyong Yolanda: Noong Nobyembre 8, 2013, tinamaan ang Pilipinas ng pinakamalakas na bagyo sa kasaysayan nito. Ang mga Pilipino’y sumaklolo sa gobyerno para humingi ng tulong sa mga nadulot na pinsala sa bansa.
Binatikos ang gobyerno dahil sa mabagal nitong tugon at sa pinaghihinalaang maling paggamit o paghawak sa mga pondo na isinadyang para sa mga recovery operations.
• Mamasapano Clash/Saf 44: Isa sa mga pinakamalalaking naging sakuna sa ilalim ng administrasyon ni Aquino ay ang Mamasapano Clash. Ito ay isang operasyon upang hanapin at puksain ang mga banyagang teroristang nagtatago sa Mamasapano, Maguindanao-partikular kay Marwan na isang gumagawa ng bomba na taga-Malaysia. Kinuha ng hindi naisagawa nang maayos na operasyon ang mga buhay ng apatnapu’t apat (44) na Special Action Force Soldiers (SAF), labing-walong (18) miyembro ng Moro Islamic Liberation Front, at tatlong (3) mga sibilyan.
Ang operasyon ay naging paksa ng pagdinig ng Senado upang matukoy ang kanilang pananagutan. Hindi nagtagal upang kanilang matuklasan na ang pangulo ay may kamalayan sa Oplan Exodus.
Umani si Aquino ng mas marami pang batikos nang tumuloy siya sa kaniyang nakatandang pagbisita sa inagurasyon ng isang car plant sa Laguna sa halip na dumalo sa seremonya ng pagbibigay-galang sa mga pumanaw na sundalo sa Villamor Airbase, at kasama na rin doon ang kaniyang naging pangkalahatang ‘di angkop na mga kilos.
Answers & Comments
Answer: