Mayroong apat na salik ang produksiyon. At ito ay ang mga sumusunod :
1.) Yamang-likas - walang isang yamang mabubuo kung walang yamang likas. Ito ang nagbibigay ng hilaw na sangkap o raw products na ginagamit sa produksiyon.
2.) Yamang-tao - ang yamang tao ay itinuturing na pinakamahalagang yaman sa lahat. Ang kalagayan ng yamang tao ng isang bansa ay hindi nasusukat lamang sa bilang ng populasyon. Sinusukat ito sa pamamagitan ng pagsusuri sa kalagayang pangkalusugan ng kanilang populasyon, kakayahang pang-teknikal, at antas ng pinag-aralan.
3.) Yamang-kapital - para sa ordinaryong tao, ang kapital ay nangangahulugan ng pera. Ngunit sa pag-aaral ng ekonomiks, ang kapital ay nanguguhulugan ng maraming bagay maliban sa pera. Maaari itong tumukoy sa mga gusali, kalsada, mga tulay, at iba pang mga impraestruktura na nakakatulong sa pagbilis ng transportasyon at paggawa. Maaari rin itong tumukoy sa mga makenarya na nagpapabilis ng trabaho.
4.) Entrepreneur - siya ang tagapagdesisyon sa produksiyon. Nakabatay sa kanyang pangarap at kakayahan ang kinabukasan ng isang negosyo.
Answers & Comments
Answer: