Nabuo ang kilusan dahil sa paglago ng diwang nasyonalista sa kamalayan ng mga Filipinong nakapag-aral, na pinaigting ng mga pangyayaring pangkasaysayang tulad ng pagbitay sa tatlong pari na sina Mariano Gomez, Jose Burgos, at Jacinto Zamora. Higit kaysa mga layuning politikal, nabuo ang kilusan para sa mga tunguhing higit na pampanitikan at pangkultura. Naglabas silá ng pahayagang La Solidaridad na unang inilimbag sa Barcelona noong 15 Pebrero 1889. Unang editor nitó si Graciano Lopez Jaena at hinalinhan ni M.H. del Pilar. Dito inilathala ang mga tuligsa nilá sa katiwalian sa kolonya ng Filipinas. Bukod sa mga ilustrado, nalathala din dito ang ibang kaalyado ng mga Filipino, gaya ni Ferdinand Blumentritt––isang Austrianong heograpo at etnologo na nakilála at naging kaibigan ni Rizal sa Alemania.
Answers & Comments
Answer: