Questions


October 2022 1 0 Report
Ano ang mga bagay na kailangan mong tuklasin? Kaibigan, sa araling ito kailangan mong maipamalas ang pang-unawa sa panimulang kaalaman at kasanayan sa pagtatanim ng gulay at ang maitutulong nito sa pag-unlad ng pamumuhay. Magiging maunlad ka sa paghahalaman kung masagana ang iyong ani. Para masagana ang iyong ani, dapat lumaking malusog ang iyong mga pananim. At upang lumaking malusog ang iyong mga pananim ay kailangan mong gumamit ng abonong organiko. Mayroon ba kayong bakanteng lupa sa inyong bakuran? Nais mo bang magtanim ng sarili mong gulay? Hirap ka ba sa pagpapalaki ng iyong mga pananim? Paano nga ba magkaroon ng maraming ani na hindi na kailangang bumili ng di-organikong abono? Upang masagot ang lahat ng mga katanungang ito, palawakin ang iyong kaalaman ukol sa modyul na ito, maaaring sagutin muna ang mga sumusunod na pagsasanay. Panuto: Pagsunud-sunurin ang mga hakbang sa paggawa ng compost para sa mga may espasyo sa bahay. Kopyahin ito sa kwaderno at isulat sa patlang ang tamang bilang (1-8).
1. Ipunin ang mga natuyong dahon, mga bulok na gulay, prutas, at mga tira- tirang pagkain.
2. Ipatong dito ang mga dumi ng hayop.
3. Gawin ang pagtambak hanggang mapuno ang hukay.
4. Hintaying lumipas ang dalawang buwan o higit pa bago gamiting pataba.
5. Diligan araw-araw. Takpan ito ng kahit na anong bagay na maaaring gawing pantakip 6. Patungan ito muli ng lupa o apog.
7. Sa hukay ilagay o ilatag ang mga nabubulok na bagay hanggang umabot ng 12 pulgada o 30 sentemetro ang taas.
8. Gumawa ng hukay na may isang metro ang lalim sa tuyong lugar, patag at medyo malayo sa mga kabahayan. SURIIN​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.