May ilang taong naniniwalang ang isang pamilya’y tulad ng isang magandang kahong puno ng mga bagay na gusto nila: pagmamahal, katuwaan, pagkakaroon ng kasama (companionship) at iba pang magagandang bagay; isang kahong mabubuksan kailanma’t nais nila ng mga bagay na ito. Marahil, mas nakakatulad ng isang walang lamang kahon ang pamilya. Nagiging maganda at makabuluhan ito batay sa kung ano ang ginagawa rito ng mga tao. Kailangang sidlan muna ito ng laman ng mga tao bago may makuhang anuman mula rito. Kung nais natin ng pagmamahal at katuwaan sa ating mga pamilya, kailangang magtanim muna tayo ng pagmamahal, paglilingkod at paghikayat sa isa’t isa. Ang mga ito ang nagpapatigib sa kahon. Ang paglalabas ng higit sa isinilid natin ay magpapabasyo sa kahon sa malao’t madali.
Answers & Comments
Answer:
sana makatulong
Explanation: