Ipagbawal na muna sana hanggat wala pang vacine na dumadating sa Pilipinas dahil pwedeng mas dumami pa ang kaso ng Covid-19 sa Pilipinas kung pwede na ang face to face
Ayon kay Briones, hindi na raw maaaring ipagpaliban ito dahil sumang-ayon na rin ang pangulo sa hakbang na ito, at isa pa hindi raw magiging maganda ang epekto nito sa mga pilipinong mag-aaral dahil mapag-iiwanan lamang daw tayo ng mga karatig-bansa sa asya.
Ngunit, buo man ang tiwala ng mga namumuno sa bansa na magiging maayos naman ito, hindi pa rin maipagkaka-ilang napakaraming mga bagay ang dapat isaalang-alang hindi lamang mga mag-aaral pati na rin ang mga magulang.
Ano-anu nga ba ang ito:
KAWALAN NG MAAYOS NA KONEKSYON NG INTERNET
Noong 2019, isang pag-aaral ang ginawa ng Speedtest Global Indexsa mga bansa sa mundo tungkol sa bilis ng internet, at lumabas na sa 139 na bansang nakilahok, nasa 103 na puwesto ang Pilipinas, malayong-malayo sa average na koneksyong dapat tinataglay ng isang bansa.
Ang average na bilis lamang ng Pilipinas ay nasa 19.51 Mbps na mas mabagal kumpara sa pangkabuuang average na meron sa buong mundo na 57.91 Mbps.
Sa senaryong ito, malinaw na malinaw, ang pagkakaroon ng mabagal na koneksyon ang pinakamalaking balakid sa online classes ng mga bata, kaya’t marami ang patuloy na pinananawagan muna ang pagpapatigil ng klase dahil sa kulang at hindi handa ang buong bansa para rito.
KAWALAN NG TABLET/LAPTOP
Marami ang nangamba nang malamang online na ang magiging paraan ng pag-aaral sa darating na Agosto kaya naman isa ito sa problema ng maraming mga magulang kung paano makahahagilap ng gadget na gagamitin.
Mabuti na lamang at maraming mga personalidad at organisasyon ang nagmagandang loob na gumawa ng paraan para makatulong sa mga bata gaya na lamang nga aktres na si Heart Evangilista na ‘di nag-atubiling nagbenta ng mga gamit para maipambili ng mga tablet na ibibigay sa mga nangangailangan.
Sa Maynila, isang inisyatibo ang ginawa ni Yorme Isko Moreno para maitaguyod lamang ang pagbabalik sa pag-aaral ng mga kabataan—gamit ang pondong nakalaan para sana sa sektor ng edukasyon sa lungsod ng Maynila bumili ng mga tablets, laptops, at internet connection para sa mga kabataan at mga guro na sasabak sa bagong paraan ng pag-aaral.
Tunay nga na nakabibilib ang taos-pusong pagtulong at programa para sa pangangailangan ng mga mag-aaral ngunit alam naman natin lahat na hindi pa rin ito sasapat sa malaking suliranin para sa mga mag-aaral na walang matatanggap na suporta.
MAINGAY NA KAPALIGIRAN
Dahil lahat ng miyembro ng pamilya ay nasa loob ng bahay, tiyak na hindi maiiwasan ang mga ingay na maaaring makaapekto sa mga sasabak online classes, sabayan pa ng ‘di maiiwasang mga galaw at gawain na maaaring pagmulan ng iba’t-ibang tunog. Ang masama pa, baka maging dahilan pa ito ng pagkawala ng konsentrasyon ng mga mag-aaral sa mga lekturang tinatalakay sa klase.
Hindi lahat ay maaaring makapag-adjust sa bagong panuntunang ito, bagkus ay kailangan lamang makahanap ng maayos na lugar sa loob ng bahay na kung saan kumportable at maayos ang sitwasyon ng pag-aaral. Ngunit paano iyong pamilyang nagsisiksikan lang sa maliit na espasyo?
‘DI SAPAT NA KAALAMAN SA MAKABAGONG TEKNOLOHIYA
Nakakalungkot man kahit na ang mundo ay sinakop na ng teknolohiya, ay marami pa ring di natitinag at ‘di nagpapadala sa paggamit nito, kaya’t ang ilan sa mga instruksyon at steps sa paggamit ng mga applications ay ‘di magiging madali sa ilan.
Ayon sa kautusan ng DepEd, kailangang maging katuwang ng mga mag-aaral ang magulang sa online classes na magaganap dahil maaaring kailanganin nila ng tulong sa mga biglaang aktibidad at kung anu-ano pa.
Nitong nakaraang linggo nga lamang sa isang panayam mula sa aktres na si Gladys Reyes na aminadong hindi ganoon kalalim ang kaalaman sa paggamit ng makabagong mga apps ngayon ay medyo mahihirapan raw sa online classes para matulungan ang anak kung sakaling magtanong ito ng mga bagay-bagay.
Sa usaping ito, maaaring matutunan naman ito ng mga taong ‘di pa sapat ang kaalaman sa paggamit ng makabagong teknolohiya paglaon ngunit sa isang banda ay maaring pagmulan ito ng iba pang problema kung sakali.
LIMITADONG PARAAN NG PAGKATUTO
Aminin man natin o hindi, malaking panahon ang kakailangan ng mga mag-aaral at guro upang yakaping nang buo ang bagong paraan ng pag-aaral na malayong-malayo sa paraang kinasanayan mula noon. Hindi na muna mararanasan ang mga nakasasabik na mga talakayan sa loob ng silid-aralan.
Isa ito sa pinangangambahang suliranin ng maaaring kaharapin ng mga estudyante at mga magulang dahil mawawalan ng dibisyon ang pagitan ng pamumuhay sa loob ng mga tahanan at sa loob ng eskwelahan.
Answers & Comments
Answer:
Ipagbawal na muna sana hanggat wala pang vacine na dumadating sa Pilipinas dahil pwedeng mas dumami pa ang kaso ng Covid-19 sa Pilipinas kung pwede na ang face to face
Explanation:
I hope it help
#CARRYONLEARNING