Ang literatura o panitikan ay nagsasabi o nagpapahayag ng mga kaalaman, kaisipan, mga damdamin, mga karanasan, hangarin, ideya at diwa ng mga tao. Ito rin ang pinakapayak na paglalarawan sa pagsulat ng tuwiran o tuluyan at patula.
Ang salitang panitikan ay nanggaling sa salitang "pang-titik-an" na kung saan ang unlaping "pang" ay ginamit at hulaping "an". At sa salitang "titik" naman ay nangunguhulugang literatura (literature), ang literatura ay galing sa Latin na litterana nangunguhulugang titik.
Mga Halimbawa
1. Pabula
Ang pabula ay mga kwento na hayop ang gumaganap ngunit ito ay kumikilos at nagsasalita tulad ng isang tao. Karaniwang inilalarawan sa pabula ang dalawang hayop na magkaiba ang ugali at ang nagiging wakas nito ay nagtatagumpay ang nagtataglay ng kabutihan ng ugali.
2. Sanaysay
Ang sanaysay ay isang piraso ng sulatin na kadalasang naglalaman ng pananaw ng may katha, pagpuna, opinyon, impormasyon, obserbasyon, kuru-kuro, at pang-araw-araw na pangyayari.
3. Balita
Ang balita ay impormasyon o paksa tungkol sa mga pangyayaring naganap na o nagaganap sa kasalukuyan at magaganap pa lamang. Ito ay hindi pa naiilathala at hinggil sa ginagawa ng mga tao sa paligid.
4. Awit at Korido
Ito ay isang uri ng tulang nakuha natin sa impluwensya ng mga Espanyol. Ito ay may sukat na walong pantig bawat linya at may apat na linya sa isang saknong.
5. Epiko
Ang epiko ay tumatalakay sa mga kabayanihan at pakikipagtunggali ng isang tao o mga tao laban sa mga kaaway na halos hindi mapaniwalaan dahil may mga tagpuang makababalaghan at di-kapani-paniwala.
6. Sawikain
Ang sawikain o idyoma ay isang pagpapahayag na ang kahulugan ay hindi komposisyunal — sa ibang salita, hindi binubuo ng tumpak na kahulugan ang mga kanya-kanyang salita na nabuo. Ito ay di-tuwirang pagbibigay kahulugan at pagpapakita ng kaisipan at kaugalian ng isang lugar.
7. Salawikain
Ang salawikain ay mga kasabihan o kawikaan na nagbibigay ng magagandang aral at gabay sa pamumuhay, sa asal, at sa pakikipagkapwa. Ito ay isang tuntunin o kautusang kinilala at pinatibay ng karanasan. Ito ay nag-uugnay lalong-lalo na sa mga bagay at kapakanang maaaring mangyari o may kahalagahan sa buhay, karaniwang sambitin ito ngayon na pwede nating gamitin sa totoong buhay.
8. Bugtong
Ang bugtong ay pahulaan sa pamamagitan ng paglalarawan. Binubuo ito ng isa o dalawang taludtod na maikli at may sukat at tugma. Ang bugtong ay isa sa mga usong libangan ng mga bata noon hanggang ngayon. Ito ay mga pangungusap na palaisipan at may nakatagong kahulugan. Ang paglalaro nito ay patalasan ng isip at iinuturo rin ang mga ito sa klase.
9. Palaisipan
Ang palaisipan o logic ay kilala rin bilang bugtong, pahulaan, o patuturan, ito ay isang tanong o pangungusap na may iba o nakatagong kahulugan na kailangang lutasin o hulaan. Ito ay payak at simple na umaasa lamang sa patudyong gamit ng tanong at sagot.
10. Haiku
Ang haiku ay isang tulang Hapon na may labimpitong patnig sa bawat taludtod. Ang unang taludtod ay may limang patnig,sa ikalawa'y pito at sa ikatlo ay may lima.Noon ay tinawag na hokku, ang nagbigay sa haiku ng pangalan nito ngayon ay isang manunulat na Hapones at siya si Masaoka Shiki sa katapusan ng 19th century.
Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa Panitikan, magtungo sa mga link na:
Answers & Comments
Verified answer
Answer:
Literatura

brainly.ph/question/122170
brainly.ph/question/15616
brainly.ph/question/306366
#BetterWithBrainly