Ang Denotasyon ay kahulugan na kinuha galing sa diksyunaryo. Ito ay literal na kahulugan ng isang salita.
Samantalang ang Konotasyon naman ay nakatagong kahulugan ng isang salita.
Plastic:
Denotasyon:
Denotasyong pakahulugan ay plastik na gawa sa mga kemikal na materyales, kadalasan itong nakikita sa mga balot ng produkto o ginagamit upang lalagyan ng mga gamit o produkto na binibili. Isa din itong uri ng basura na nagdadala ng polusyon sa lupa at sa tubig.
Halimbawa:
Itapon mo nga ang plastik na ginamit mo pagkat iyang ang dahilan kung bakit nagkakabaha dito.
Konotasyon:
Konotasyong pakahulugan ay isang tao na may dalawang mukha o mahilig magpanggap sa harapan ng iba.
Halimbawa:
Napakaplastik ng babaeng iyan! Sa bahay napakatamad ngunit kung nasa labas aba'y ang sipag lalo na kapag may nakatingin.
Answers & Comments