Narito ang ilan sa mga katangiang dapat taglayin ng isang mahusay na pinuno:
Unang una sa lahat, nararapat lang na alam niya kung sino ang tunay na nakatataas sa lahat at ito ang Diyos Maykapal. Sa kanyang pamumuno, nawa’y katuwang niya ang Panginoon sapagkat siya ang gagabay sa lahat patungo sa magandang buhay. Lahat ng gagawin niya ay magmumula sa salita at aral ng maykapal.Sa kasalukuyan ang ating pangulo na si Rodrigo Duterte ay nagpapakita ng mga katangian na hindi kaaya-aya bilang isang Pangulo ng isang bansa. Mula sa pagmumura hanggang sa pagpatay, tila ang Pilipinas ay hindi na ligtas pang tirhan dahil sa kaniyang pamumuno.Nararapat rin na dapat ay may mabuti siyang puso sa masa. Hindi lamang sa harap ng kamera niya pinapakita ang kabutihan ng kanyang puso kundi kahit wala ang mga ito. Mapagmahal sa kanyang tungkulin, bayan, at sa mga taong nasasakupan.Bilang isang pangulo kailangan na siya ay matapat. Importante rin ang pagiging tapat niya sa kanyang mga kapwa bilang tao sapagkat sumasalamin ang kanyang tunay na kulay base sa mga binibitawan niyang salita. Hindi lamang sa salita kundi pati sa gawa. Tungkulin niyang gamitin ang kaban ng bayan para sa ikauunlad ng bansa, hindi para ibulsa lamang ito. Dapat na hinahangad niya ang ikagiginhawa ng mga taong kanyang pinagsisilbihan at hindi ang pansariling kagustuhan nang kanyang iniisip.Marapat na siya ay maunawain at matulungin, kung saan iniintindi hindi lamang ang isang parte ng problema kundi tinitingnan ang kabuoan nito. Ang pangulong bukas sa publiko at hindi pinipili ang mga taong tutulungan. Hindi nagbubulag-bulagan sa mga suliranin ng bansa at ang nangunguna sa paghahanap ng solusyon. Inaasahan na hindi lahat ay sang- ayon sa bawat desisyon na kanyang gagawin kaya’t marapat na bukas ang kanyang isipan ukol dito.Ang isang bansa ay hindi mabubuo nang walang namumuno. Ang pangulo ang siyang gabay at tinitingala ng buong bansa. Siya ang nararapat na maging magandang impluwensiya at huwarang pinuno. Tulad natin na ayaw diktahan ng sinuman sa kung ano ang gusto nating gawin, huwag rin sana natin itong gawin sa ating pinuno. Sa kabilang banda, ay marapat lamang na suportahan at maniwala sa kanyang abilidad. Sa kabuoan, hindi perpekto ang sinuman tulad ng ating mga tinatawag na Pangulo, pinuno o lider. Sila rin ay may mga kamalian ngunit sa tulong ng bawat isa, balang araw ay makakamit rin natin ang isang maunlad na bansang ating pinapangarap.Ang huli at pinakaimportante sa lahat ay ang pagiging patas. Pantay ang pagtingin sa lahat anuman ang estado nila sa buhay. Babae, lalaki, bata, matanda, mayaman man o mahirap walang dapat paburan ang isang lider datapwat ay pareho ang pakikitungo niya sa bawat isa. Kahit sino o ano man tayo, pantay-pantay ang ating karapatan. Ang isang pangulo ay dapat na malaman na walang aangat sa batas pati ang kanyang sarili.Importanteng malawak ang kanyang kaalaman sa pagpapalakad ng nasasakupan. Dapat na alam niya ang bawat bagay at pangyayari sa kanyang nasasakupan. Sa mga desisyong kanyang gagawin, nararapat na isaalang alang niya ang ikabubuti ng lahat. Makatutulong rin ang pakikinig sa opinyon ng sambayanan upang mas tumatag ang pagkakaisa ng gobyerno at ng mamamayan. Ang mga kaalamang ito ay hindi nababase sa talino ng nasabing lider kundi sa mga estratehiyang angkop sa sitwasyong kinakaharap ng bansa. Tinitingnan niya bilang isang malaking larawan ang suliranin na dapat na agarang masolusyunan.
Answers & Comments
Answer:

Explanation:
pa brainlest po correct me po if im wrong
Verified answer
Answer:
ang katagnian ng mabuting panguli ay ang mapagmahal sa kapwa matulungin at maganda ang batas na inaaprobahan