Ang unang sanaysay ay nakilala sa bansang Pransya noong ang isang mananaysay na nagngangalang Michel de Montaigne ay nagsulat ukol sa buhay ng mga tao sa pamamaraang tuluyan.
Makalipas ang ilang taon ay nakarating ito sa Inglatera at nagkaroon ng peryodiko ng sanaysay, magasin, at dyornal.
Noong ika - 20 siglo nabigyang - pansin ng mga tao ang kritikal na elemento ng sanaysay, kung kaya’t nagkaroon ng mga sanaysay na mapanuri at akademiko.
Sa Pilipinas, ang sanaysay ay pinangunahan ng mga propagandista tulad nina Dr. Jose Rizal, Marcelo H. del Pilar, Graciano Lopez Jaena, at iba pang tanyag na illustrado. Tinalakay nila ang pamumuhay ng mga Pilipino sa kamay ng mga mapang - api at mapang - abusong Kastila.
Nang dumating ang mga Amerikano, may mga pagkakataong hindi na nakapaglathala ng mga sanaysay sa Tagalog dahil sa pag - iral ng wikang Ingles.
Sa panahon ng Hapon, nagbalik ang mga ito at nanatili sa pagdeklara nila na Tagalog ang pambansang wika, at pamamayagpag ng katutubong wika sa mga lalawigan sa bansa.
Naibalik ang estado ng wikang pambansa sa mga paaralan at hindi pinahihintulutan ang pagsasalita sa Ingles bunga ng kagustuhan ng mga Hapones na mabura ang impluwensya ng mga Amerikano sa bansa.
Answers & Comments
Verified answer
Kasaysayan ng Sanaysay:
Kahulugan ng Sanaysay: brainly.ph/question/138575
Sanaysay sa Panahon ng Hapon: brainly.ph/question/434493
Sanaysay sa Panahon ng Amerikano: brainly.ph/question/549562