Ang gramatika ay isang gabay sa tama at maayos na pagsasama sama ng mga salita sa pagbuo ng isang pangungusap... (tingnan din ang kahulugan ng retorika sa brainly.ph/question/339872)
Kasanayang Panggramatika
Ang gramatika ay tumutukoy sa kawastuhan ng pahayag. Kinasasangkutan ito ng iba’t ibang bahagi ng pananalita, mga lipon ng mga salita, pahayag, at pangungusap.
May mga patnubay hinggil sa mabisang pagpapahayag na isinasaalang-alang ang gramatika.
Dapat tiyakin ang timbang na ideya at paralelismo sa loob ng pangungusap. Tiyakin din dapat ng wasto ang mga aspekto ng pandiwa sa pangungusap.
Dapat na iwasan ang pagsasama-sama ng maraming kaisipan sa isang pangungusap.
Gawing malinaw dapat sa pangungusap kung alin ang pangunahing sugnay at pantulong na sugnay.
Kapag ang paksa ay hindi gumaganap ng kilos, gamitin ang tinig na balintiyak ng pandiwa.Huwag ilayo ang salitang panuring sa tinuturingang salita.
Answers & Comments
Answer: